Natapos ang isang araw sa eskuwela.
Hindi ko namalayan ang takbo ng oras at uwian na pala.Agad nagsilabasan ang mga magkakaibigan, magkakatropa at ilang mga bagong magkakakilala.
Lahat sila'y nasasabik na bumalik sa kani-kanyang tahanan.
May iba na balak munang gumala. Nais tumakas sa sermon ng mga magulang nila.Nanatili ako sa aking silya.
Hindi ko nais na umuwi pero hindi rin naman ako makakatakas.
Ilang sandali pa ang nakalipas at sinilid ko na ang aking mga gamit. Pilit kong nilunok ang takot na namumuo saking dibdib at lumakad na pauwi.
-
Habang palabas ako sa gate ng unibersidad ay halos lumundag ang aking dibdib nang biglang lumitaw sa harap ko ang lalaking nakatitig sakin kanina sa klase.
Umiwas ako ng tingin at lumakad na pakaliwa ngunit hinarangan nya ang aking daan.
"exc-use me"
Nahihiyang pakiusap ko sa binata sabay lakad pakanan.
Tila ba nang-aasar ito at hinarang muli ako."Hi! Ikaw si.. Clarissa?" ani to
"Oo, oo ako nga. Bakit?"
Naiinis na tanong ko.Kailangan ko ng makauwi. Bakit ba hinarang pa nya ko?
"Ahmm. Magka-grupo kasi tayo saaa..
ano.. ahhh.. P.E! Oo sa P.E""Ahh. Oo nga, magka-grupo tayo.
May kailangan ka? Tulong? Kontribusyon?"Sa pagsambit ko ng "kontribusyon" ay bigla syang natawa. Hindi ko maunawaan pero ito na yata ang pinaka-magandang bagay na narinig ko.
"Hahahah. Hindi ate, walang contribution at wala pa naman tayong gagawin sa group. Nakita ko lang kasi naaa.."
may dinukot syang papel sa kanyang bulsa
"wala ka kasing nilagay na contact number dito oh"
ipinakita nya sakin ang listahan ng aming grupo at ako nga lang ang walang numero."sorry wala kasi akong cellphone"
"ahhh.. ganun ba? hmm.. Telephone? E-mail? Facebook?"
"Sige may Gmail account ako"
dali dali kong isinulat ito sa kanyang papel.
Papagabi na at ilang oras nalang ay uuwi na si papa. Mayayari ako 'pag wala syang madatnan na makakain.Iniabot ko sa kanya ang papel at nagpaalam. Hindi pa ako nakakalayo ng bigla syang humabol sakin.
"Wait! Mark nga pala" inilahad nya ang kanyang palad at inintay ang aking pag-tugon.
Nakatitig lang ako sa palad nya. Pinag-iisipan kong mabuti kung ano ang tamang gawin.
Tatanggapin ko ba ang kamay nya?
Wala naman sigurong masama hindi ba?
"alis na ko"
Kumaripas ako ng takbo.
Tumakbo ako.
Palayo.
Palayo sa liwanag na ngayon ko lang nasilayan
BINABASA MO ANG
Sunod sa Agos
RomanceHindi natin madidiktahan ang ikot ng mundo. Kahit ano pa ang ibatong pagsubok at pahirap ng tadhana ay wala na tayong magagawa. Sa dagat ng luha, ang magagawa lang natin ay sumunod sa agos By:rile1998