"There can be miracles when you believe"
Iyan ang paniniwala ng karamihan. Ngunit kung ang ka-milagruhan na ginagawa lang naman sakin ni papa ang pag-uusapan, ayoko ng maniwala pa sa himala.
-
Unang araw ko ngayon sa kolehiyo.
Hahaha.
Tangina diba? Kagabi lang ay binababoy ako ng taong malapit sakin tapos ngayon ay nasa eskwela ako.
Parang wala lang.
Isang normal na araw sa karamihan.
Pakana lang naman ni tita itong pag-aaral ko. Kung si papa ang masusunod ay mas gusto nyang nasa bahay lang ako. Libre kung kailan nya gusto
Akala ba ng tita ko gusto ko pang makapag-tapos?
Akala ba nila may plano pa ko sa hinaharap ko?
Akala ba nila gusto ko pang mabuhay?Tsss.
Hindi ko naman sila masisisi.
Ano nga ba namang alam nila? E hindi naman ako nagsalita.
BINABASA MO ANG
Sunod sa Agos
RomanceHindi natin madidiktahan ang ikot ng mundo. Kahit ano pa ang ibatong pagsubok at pahirap ng tadhana ay wala na tayong magagawa. Sa dagat ng luha, ang magagawa lang natin ay sumunod sa agos By:rile1998