"Pa?"
Napako ako sa aking kinatatayuan nang makita kong pinarada nya ang kanyang pampasadang jeep. Bumaba sya upang lumapit. Kasabay ng unti-unting paglapit ni papa, narinig ko naman ang paghinto ng mga paa ni Mark sa aking tabi.
"Clarisse bakit bigla kang-" naputol ang kanyang sasabihin sa paghinto ni papa sa aking harapan.
"Clarissa, may kasama ka pala." Mahinahon nyang sambit kasabay ng masinsinang pagsuri sa lalaki na aking katabi. Tinitigan nya ito mula ulo hanggang paa. May ilang dangkal ang tangkad ni Mark kay papa ngunit kung panlisikan nya ito ay parang isang paslit lamang si Mark.
Tila hindi nahalata ni Mark ang biglaan kong pagkatuod sa aking kinatatayuan at ang nagbabagang tingin ni papa sa kanya. Magiliw nya itong binati at nilahadan ng kamay.
"Magandang hapon po. Magkaklase po kami ni Clarissa. Mark po pala." tinitigan lamang ni papa ang palad na nakalutang sa ere.
"Clarissa, tara na" marahas na hinablot ni papa ang aking braso para tumungo na ako sa jeep.
"Clarisse" nilingon ko ang balisang muka ng aking kaibigan habang patuloy akong kinakaladkad.
Alam kong hindi maganda ang mga susunod na mangyayari at nais kong sumigaw ng tulong.
Ngunit
ayokong madamay pa sya
Kung ako nga na anak ni papa ay nagagawa nyang saktan, malamang ay magagawa nya rin ito sa iba.
Pinilit ko nalang ngumiti kay Mark upang hindi na sya mag-alala pa.
Paglingon ko sa jeep ay nakabukas na ang pintuan nito.
Pinauna akong makasakay ni papa saka ito umupo sa driver's seat.
Sabay ang panginginig ko sa pagdagundong ng makina.
Tinitigan ko lamang si Mark hanggang sa mawala na sya sa aking tanaw.
"Mukang nagsasaya ka ata sa eskwela Clarissa."
Tahimik lamang ako habang nakatitig sa mga sasakyang napapadaan sa aming gilid.
"Hindi ka ba nakokontento kay papa kaya naghanap ka na ng nobyo?" nilapat nya ang kanyang kanang palad sa aking tuhod. Agad ko itong tinabig ngunit lalo lamang nya idiniin ang paghawak sa akin. Hinigpitan ko na lamang ang yakap ko sa aking bag na nakapatong sa aking hita dahil alam kong walang idudulot na maganda ang panlalaban. Marahan nyang tinatapik-tapik ang aking tuhod habang ang kabilang kamay nya ay nasa manibela. Paunti ng paunti ang nakakasabay naming sasakyan dahil malawak ang kalsada at hindi pa rush hour.
Maya-maya ay naramdaman ko ang pag-gapang ng kanyang kamay sa aking hita. Inusog nya ang aking bag ngunit nagmatigas akong iharang ito upang hindi nya mapasok ang aking palda.
Ilang minuto kaming nagbuno at sa huli ay dinakot nya ang aking bag saka ito hinagis sa upuan sa likod. Wala na akong ibang nakapitan kundi ang laylayan ng aking palda.
BINABASA MO ANG
Sunod sa Agos
RomanceHindi natin madidiktahan ang ikot ng mundo. Kahit ano pa ang ibatong pagsubok at pahirap ng tadhana ay wala na tayong magagawa. Sa dagat ng luha, ang magagawa lang natin ay sumunod sa agos By:rile1998