18

1 0 0
                                    


Ala-singko empunto.

Sa paglabas ko ng silid ay agad kong nakita ang katawan ni papang nakasalampak sa may sofa. Dito na marahil sya inabutan ng kalasingan at 'di na umabot sa kanyang kwarto. Dahan-dahan kong tinungo ang kusina, maingat ang aking bawat galaw sa takot na magising ang lalaking lasing.

Naghanda na ako ng umagahan at mataimtim na inensayo ang mga katagang sasabihin ko mamaya kay Papa.

Nais ko na talagang makaalis rito at kakailanganin kong magkaroon ng pera pantustos sa matitirahan ko at pangkain ko sa araw-araw. Ngunit upang matugunan ito'y kailangan ko ng trabaho.

"Hm? Ang aga mo yatang naghanda ng almusal?" tanong ni Papa habang sya'y papalapit na sa lamesa. Tinimplahan ko agad sya ng kape upang maalis ang pagkahilo nya dahil sa alak.

"Maaga lang ho akong nagising, Pa. Tsaka ano po kasi" Sinisimulan nya na ang pagkain ng almusal. Tinipon ko naman ang lakas ng loob ko upang magpaalam sa kanya na nais kong maghanap ng trabaho.

"Ano ho kasi… Dahil bakasyon naman po ngayon gusto ko po sanang mag-trabaho. Yung kikitain ko po dun eh itutulong ko rin po sa inyo sa mga gastusin at bayarin dito sa bahay."

Tatawa-tawang lumingon saglit sa akin si Papa habang nginunguya nya ang kanyang almusal. "At..At ano namang trabaho ang papasukin mo? Magpo-pokpok ka? HaHhahHahah! Sige. Bagay naman sayo!" iiling-iling pa ito habang nakatawa.

"Ay hindi ho. Nabalitaan ko po kasing nagbukas na yung kainang matagal ng binalak na itayo ni Aling Melba malapit sa City Hall. Naghahanap raw ho sana sya ng makakatulong nya sa kusina at taga-hugas ng pinggan". Magiliw kong tugon.

Nagpatuloy lamang sa pagkain si Papa na tila hindi nya ako narinig. Malapit na akong panghinaan ng loob dahil baka hindi nya ako payagan ngunit bigla syang nagtanong.

"Hindi ba abugasya ang kurso mo? Pagkatapos eh maghuhugas ka ng pwet ng baso? Anong mapapala mo roon?" madiin nyang tanong.

"Unang taon ko palang naman po kasi sa kolehiyo, Pa. Hindi pa po ganun karami ang kaalaman ko at hindi pa po ako masyadong bihasa. Gusto ko man po sana kumuha ng trabaho na may kinalaman sa kurso ko, ang problema naman po eh medyo malayo po dito sa bahay, kailangan ko pong mamasahe araw-araw tapos.." pangangatwiran ko pa na sya namang ikinairita nya.

"Osya! Osya! Taragis na napakadaming satsat! Bahala ka. Siguraduhin mo lang na trabaho ang aatupagin mo at hindi kalokohan ha! Marami akong kilala sa City Hall na taga-Toda. Kapag nalaman kong nagloloko-loko ka lang at naglalandi sa kainang 'yan, makakatikim ka talaga sakin!" Animo'y galit na asong pinagpatuloy ni papa ang pagkain nya sa kanyang agahan. Pinilit ko namang itago ang pagkasabik ko dahil sa wakas ay magkakaroon na 'ko ng ibang pagkaka-abalahan ngayong bakasyon at makakaipon narin ako ng pera.

-

"Clarissa, Ihaaa!!" Magiliw na bati sakin ni Aling Melba.

"Magandang umaga po ate Melba. Pasensya na po at na-late ako ng dating, inantay ko pa po kasing makaalis si papa." pagbati ko naman sa kanya.

"Ay nako wala yun iha. Maaga pa naman. O sya, halika dun sa kusina."

Ginabayan nya ko papasok sa kanyang kainan. Katamtaman lamang ang laki nito. May dalawang maliit na lamesa sa labas na kasya ang dalawang tao samantalang may lima namang mahabang lamesa na kasya ang limampung katao. Sa may bandang likuran ay nandun ang kaherang may makapal na make-up at sa gilid nito'y mayroong eskaparateng naglalaman ng mahigit sa sampung ulam. Mayroon ding mga panghimagas na tulad ng bilo-bilo, minatamis na saging at iba pa.

Sa may bandang sulok naman ng kahera ay may nakatayong maliit na tungtungang may mga panimpla ng juice at kape kung sakaling may humiling nito. Ipinakilala rin ako ni Aling Melba sa kanyang kahera.

Sunod sa AgosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon