Habang nasa biyahe ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Joce noong araw na 'yon.
'Bawal ang malisyosa'
Bakit naman kaya 'di ba? Buti na lang talaga hindi ako ganoong klasing tao. Ang trabaho ay trabaho. No feelings attach.
Papasok pa lang kami sa subdivision na hula ko'y para lang sa mayayaman ay hindi ko na maitikom ang bibig ko sa pagkamangha.
"Ang yayaman ng mga nakatira rito 'no? Tayo naman itong mga slap soil lang," pabirong sinabi ni Joce pero totoo naman kasi iyon.
"Ang swerte nila. Ipinanganak silang mayaman at mamamatay'ng mayaman," mataman kong sinabi habang nakatingin sa bawat mansyon na nadadaanan namin.
Kalaunan ay huminto ang sinasakyan naming taxi sa isang malaking mansyon. Sobrang laki nito! Ito na yata ang pinakamalaki sa lahat ng nakita ko papasok dito.
"Dito tayo magtatrabaho, Honey. Kahit pa hindi tayo ang may-ari, atleast, mararanasan nating makatira sa ganito kalaking bahay!" manghang sinabi ni Joce.
Bago pa man kami makababa ay may nakita kaming lumabas na babae. Mukhang nasa mid -60's na ito. Ngumisi siya sa amin habang may inabot na pera sa taxi driver.
"Kamusta ang byahe n'yo mga iha?" pasiunang bati niya sa amin ni Joce.
"Ayos lang po," si Joce na ang sumagot.
"Halina kayo sa loob at nang makapag meryenda," aniya at iginiya kami papasok sa loob ng mansyon.
Bitbit ang mga bag namin ni Joce ay pareho kaming nagpalinga-linga sa paligid. Ang mansyon ay nagsusumigaw ng karangyaan.
Naglalakad kami papunta sa isang mukhang sala. Pero may nadaanan na kami kaninang sala, ah. Ilang sala ba mayro'n ang bahay na ito?
"Upo kayo," magiliw na utos ng ginang sa amin at naupo nga kami ni Joce.
"Ako si Lolit at ako ang mayordoma ng bahay na ito. Ikatlong henerasyon ng pamilyang Gallendre na ang pinagsisilbihan ko ngayon," panimula niya. "Namatay ang mag-asawang Gallendre dahil sa isang aksidente, kaya ang nag-iisang anak na lang nila ang naiwan sa pamilyang ito. Pero bago ang lahat, sino ang natanggap bilang katulong sa inyong dalawa?" tanong niya sa amin ni Joce.
Nagtaas ng kamay si Joce at tumango ang ginang.
"Alam mo naman siguro iha kung anong dapat gawin ng isang kasambahay 'di ba? Huwag kayong mag-alala, hindi naman ako mahigpit sa mga katulong dito," dugtong niyang sinabi at ngumiti sa amin.
"Uh.. ano po'ng itatawag namin sa inyo?" tanong ni Joce.
"Kayo ang bahala. Pwedeng nanay Lolit o ano mang gusto niyong itawag sa akin," sagot niya at nadako ang mga tingin niya sa akin
"Ikaw pala ang magsisilbi kay Señorito. Sana ay magtagal ka rito, iha. Makailang ulit na kaming nagpapalit-palit ng magsisilbi kay Señorito. Ang pinakamatagal ay isang buwan lang. Sana'y habaan mo ang iyong pasensya, iha," hindi ko alam pero mukhang nahimigan kong parang nagmamakaawa siya sa akin.
Kaya ba gano'n na lang kalaki ang sweldo dahil sa mahirap alagaan ang Señorito? At bakit parang feeling ko abnormal siya. Baka special child? Kaya walang nakakatagal sa kanya?
"100 thousand per month ang sweldong ibibigay ko sa iyo, iha. Basta't ipangako mo lang na magtatagal ka-."
"Ho?! 100 thousand?!" gulat naming sinabi ni Joce at nagkatinginan kaming laglag ang mga panga.
"Ang sabi po sa office na pinuntahan ko ay 50k lang po per month," sabi ni Joce.
"Oo, pero dadagdagan ko. Nakakapagod na magpapalit-palit ng mag-aalaga kay Señorito," malungkot na sinabi ng ginang.
BINABASA MO ANG
Secret Scent
RomanceLove is blind, literally. She fell in love to a blind man which happen to be her boss. Siya ang naging daan, at liwanag sa madilim na mundo ni Alexander Gallendre ang nag-iisang anak ng yumaong mag-asawang Gallendre. It wasn't a smooth sailing for...