"Ang swerte! Gaano kalalim ang V-line niya? Malaki ba ang umbok, ha, Honey?" panunuyang tanong ni Joce dahil sinabi ko sa kanya ang nangyari. Naabutan niya kasi akong nagtatapon ng bulak na may dugo kaya napilitin na lang akong ikwento sa kanya kahit wala sana akong balak dahil alam kong aasarin niya lang ako.
Pa simple kong nilunok ang kinakain at natatawa sa itsura ng kaibigan.
"Hindi ako tumingin, 'no," pagsisinungaling ko. Siyempre, malulusaw na ako sa hiya kong pati 'yon ikwe-kwento ko pa!
"Maniwala! Sobrang lapit lang no'n sa alaga niya tapos hindi ka man lang tumingin? Kahit very very light lang?" pangungulit niya pa at umiling na lang ako.
"Hindi nga."
Humagalpak siya ng tawa animo'y nakakatawa ang sinagot ko.
"Sige, narinig ko ang sagot mo. Pero mas paniniwalaan ko ang namumula mong mukha! Huwag ako, Honey," giit niya pa sabay tawa.
Gano'n na lang ang gulat ko sa sinabi niya at napainom ng tubig. Sino ba naman kasing maniniwala sa pagsisinungaling ko? Hindi ko naman 'yon kasalanan kung napunta roon sa umbok niya ang mga mata kong very light.
"Hay, naku. Sa susunod na mangyari ulit ang ganyan, tawagin mo 'ko, Honey. Huwag kang madamot riyan. Magagamit natin 'yan para sa pansarili nating pangangailangan," aniya at may pilyong ngiti sa labi, kumindat pa ito sa akin.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko nakuha ang huling sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko at kitang-kita ang dismayado niyang mukha na para bang dapat ay alam ko iyon.
"Huwag mong sabihing hindi mo pa ginalaw ang sarili mo? Kahit kailan?" namilog ang mga mata ko dahil naiintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Hindi 'no! Hindi ako ganyan," mabilis kong sagot at tumawa siya sabay iling.
"Ang boring mo, girl! Pa minsan-minsan ilabas mo 'yan. Sabihan mo lang ako at tuturuan kita," aniya sabay kindat sa akin at umalis na.
Umiling ako kinilabutan sa sinabi ni Joce. Alam ko namang ginagawa talaga 'yon ng iba. Pero hindi ako! Hindi ko kailanman gagalawin ang sarili ko. Mahalaga sa akin ang pagkababae ko at para ito sa mapapangasawa ko.
Naghahanda na ako sa pagpasok nang nagmamadaling pumasok sa kwarto si Joce na para bang may humahabol sa kanya.
"Honey! Puntahan mo ang alaga mo! Hinahanap ka raw!" parang kidlat akong tumakbo papunta sa taas. Kinakahaban na rin ako. Bakit naman kaya niya ako hinahanap, e alam naman niyang may pasok ako nang ganitong oras.
Mabilis pa sa alas kwatro nang marating ko ang pintuan. Abot-abot ang aking hininga at kinalma ko muna ang sarili. Hindi ko na talaga kailangang mag-exercise dahil dito pa lang sa bahay, matutunaw na ang mga taba ko!
Kumatok na muna ako ng dalawang beses bago pumasok. Pagkabukas ko ay naabutan ko si Alex na nakatayo at nakatingin sa labas na para bang may nakikita siya roon. May kung anong kumalabit sa puso ko sa nakita. Hindi niya ba gustong makakita? Hindi niya ba nami-miss makita ang paligid? May pera naman siya para ipagamot ang sarili. Pero bakit siya nagtitiis?
Naputol ako sa pag-iisip nang magsalita siya.
"Aalis ka na?" aniya at napatanga lang ako. Tumingin ako sa gilid at likuran ko. Sinisigurong ako ang kausap niya. Nang hindi ako maka sagot ay humarap siya sa akin.
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim at bahagyang pag-iling na para bang nahihirapan siya.
"Papasok ka na?" tanong niya ulit at napalunok ako.
"O-Opo! Uh..papaalis na ako, e. May kailangan ka, sir?" Anong meron? Bakit niya naman kaya natanong?
"Here. Sabihin mo sa driver na gamitin ang sasakyan ko at ihatid ka.Pa hintayin mo rin siya hanggang sa matapos ang klase mo," aniya sabay abot sa akin ng isang susi.
BINABASA MO ANG
Secret Scent
RomansaLove is blind, literally. She fell in love to a blind man which happen to be her boss. Siya ang naging daan, at liwanag sa madilim na mundo ni Alexander Gallendre ang nag-iisang anak ng yumaong mag-asawang Gallendre. It wasn't a smooth sailing for...