Naupo ako sa kama habang hawak ang sentido ko. Iniisip ang mga alaalang pumasok bigla sa utak ko. Nagugulahan ako pero isa lang ang nasisigurado ko. Mga alaala ko 'yon noong bata pa ako.
Nakakalungkot lang isipin na hindi ko na maalala ang lahat. Kailangan ko pang hintayin kung kailan sila kusang babalik sa utak ko. Pero bakit gano'n? Ano ba talagang nangyari sa akin at nawala ang mga alaala ko?
Walang nasabi sa akin si Tatay na naaksidente ako o ano. Pero sa nangyayari sa akin ngayon, kailangan ko na siyang makausap.
"Hays, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Matutulog ka na ba?"
Umiling ako at ngumiti kay Joce. Kanina lang, parang nag-iba ang timpla niya. Pero ngayon, okay na ulit.
Bigla kong naalala ang halik sa akin ni Alex kanina. Uminit ang pisngi ko at parang hinahatak ang balat sa mukha ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bago ang lahat ng 'to sa akin.
"Nasaan ka noong namatay ang ilaw?"
Nag-isip siya saglit at nakatingin sa kisame.
"Nag banyo lang. Bakit?"
Sasabihin ko ba sa kanya? Gusto ko, pero siguradong habang-buhay na niya akong aasarin. Hindi naman ako sigurado kung dapat ko bang ipagsabi 'yon sa iba. Siguro lasing siya? Kaya nagawa niya 'yon?
Paano kung hindi? Paano ko na siya pakikitunguhan niyan? Ang awkward! First kiss ko pa naman 'yon!
Kumunot ang noo ko. Mali. Hindi ko first kiss iyon. Ang first kiss ko ay ang batang nasa alaala ko. Sino ba ang batang 'yon?
"Wala naman. Matutulog na ako," sabi ko at nauna nang maligo sa banyo saka pa nagpalit ng damit at nahiga sa kama.
Nasa banyo na rin si Joce, naliligo. Ayaw na rin daw niyang lumabas dahil pagod na siya. Hating-gabi na at dinig pa rin ang tawanan sa labas at tilian ng mga babae.
Iniwan ko pala si Alex doon. Pero nando'n naman sila Mico at Andrew. Siguradong hindi naman siya pababayaan ng mga 'yon. Isa pa, wala na akong mukhang ihaharap sa kanya dahil sa sobrang hiya!
Pero bakit naman ako mahihiya, e, siya naman ang nanghalik sa akin? Pero bakit ko ba iniisip 'to? Laro lang 'yon! Wala 'yon!
"Hoy! Nakikinig ka ba, ha?" Bigla akong nabalik sa wisyo nang tapunan ako ng unan ni Joce sa mukha kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Lalim ng iniisip mo, ah? Share, share? Huwag madamot, masama 'yan," aniya at naupo sa kama.
"Wala nga. Naiingayan lang ako," pagsisinungaling ko.
"Oo nga. Ang lalandi! Puro tili! Akala mo mga baboy na ginigilitan sa leeg!" inis niyang sinabi na para bang may pinaghuhugutan siya.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Bakit ka umalis bigla kanina?" Tanong ko sa kanya at nakita ko ang pagkataranta niya sa tanong ko.
"Nag banyo nga 'di ba? Naje-jebs ako kanina teh, kaya the flash ang galawan ng lola mo kanina," sabay tawa niya.
Nagkibitbalikat na lang ako kahit hindi naman kumbinsido sa sinabi niya.
Nag-usap pa kami ni Joce ng kung ano-ano kaya nakatulog lang din kami nang mapagod sa kakatalak namin sa isa't-isa.
Maaga akong nagising dahil na rin siguro sa nasanay na. May pasok pa naman kami ngayon pero ito at absent! Sabi pa ni Joce ay hindi naman daw namin ikakabagsak ang dalawang absences. Pero nakaka-guilty! Lalo na at nagbubuhay bakasyonista lang naman kami rito.
Napabalikwas ako sa higaan nang makarinig ng katok. Nakatulog pala ako ulit? Kinuha ko ang cellphone sa side table at nakitang alas-nuebe na!
Nasa tabi ko pa si Joce at humihilik pa! Inalog ko siya agad saka pa tumayo at binuksan ang pintuan.
BINABASA MO ANG
Secret Scent
RomanceLove is blind, literally. She fell in love to a blind man which happen to be her boss. Siya ang naging daan, at liwanag sa madilim na mundo ni Alexander Gallendre ang nag-iisang anak ng yumaong mag-asawang Gallendre. It wasn't a smooth sailing for...