Kabanata 4

867 27 1
                                    

"Kamusta naman ang pag-aaral niyo?" tanong sa amin ng ginang habang kumakain ng agahan.

"Okay naman po," malumanay kong sagot.

"Engineer po kurso niyang si, Honey. Matalino po iyan!" pagamamalaking sinabi ni Joce. Pinandilatan ko naman siya sa sinabi niya.

"Kamusta si Señorito, iha? Hindi ka ba nahihirapan?" tanong sa akin ng ginang at nakatingin na silang dalawa ni Joce sa akin. Naghihintay ng sagot ko.

Sa totoo lang po, nahihirapan po akong mag adjust dahil hindi ko maintindihan ang mga trip niya sa susuoting damit at ang basta-bastang paghuhubad kahit alam niyang nasa harapan pa niya ako. Sabi ko sa isip ko, pero hindi ko na naisatinig.

"O-Okay lang naman po," tanging naisagot ko. Bahagyang ngumiti ang ginang ngunit malungkot ang kanyang mga mata.

"Bakit hindi po lumalabas ng kwarto si Señorito, Nay?" kuryosong tanong ni Joce sa ginang.

Huminga muna nang malalim ang ginang at uminom ng tsaa niya bago pa nagsalita.

"Matapos ang aksidenteng nangyari sa kanila ay hindi na siya kailan man lumabas ng kwarto. Nasasaksihan niya ang pagkamatay ng mga magulang niya bago pa siya nabulag," malungkot na kwento ng ginang.

Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit niya. Kaya siguro walang nakakatagal sa kanya dahil palaging mainit ang ulo, demanding. Punong-puno nang galit at hinagpis ang puso niya kaya ibinubunton niya iyon sa mga tao sa paligid niya.

"Paano naman po siya nabulag?" dugtong na tanong ni Joce at napatingin ako sa kanya.

"Joce..." tawag ko sa kanya, dahil parang masyado ng personal ang tanong niya.

Ngumiti sa akin ang ginang at tumango.

"Matapos silang mabangga ay lumapit sa kanila ang isang lalaki at may ini-spray ito sa mata ni Señorito, dahilan ng pagkabulag niya," giit ng ginang.

"Grabe naman po pala ang nangyari sa kanila. Nadakip na po ba ang gumawa no'n sa kanila?" tanong ulit ni Joce habang nakikinig lang ako sa usapan.

"Nadakip na, dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan ni Señorito," anang ginang.

"Mga kaibigan? Mga binata pa po ba sila?" kuryosong tanong ni Joce at nakita kong kumislap ang mga mata niya.

"Joce..." tawag ko ulit sa kanya at kinunotan ng noo ngunit ngumisi lang siya sa akin. Humalakhak lang din ang ginang sa tanong ni Joce.

"Oo mga binata pa silang lahat. Pumupunta ang mga iyon dito. Makikita niyo rin sila," magiliw na saad ng ginang.

Hindi ko lubos maiisip na gano'n ang nangyari sa kanya at pamilya niya. No'ng namatay si Nanay, halos hindi na nga ako makakain sa sobrang lungkot ko at araw-araw na pag-iyak. Ano pa kaya ang mamatayan ka ng magulang na bukod sa sabay pa, e, nasaksihan pa niya.

Ang kailangan niya ay taong makakaintindi sa nararamdaman niya at dadamay sa kanya.

Pilit ko siyang iintindihin kahit ang hirap-hirap niyang alagaan!

"I don't like it," sabi niya nang matikman ang kapeng pinapatimpla niya sa akin. Pangatlong akyat baba ko na 'to!

"Sir, ano po ba ang eksatong lasa ng kape na gusto niyo?" kalmado kong tanong kahit naiinis na ang kalooban ko.

Napatingin siya sa akin at inikotan ko siya ng mata. Medyo gumagaan ang kalooban ko dahil sa ginagawa ko sa kanya.

"Simpleng pagtitimpla ng kape, hindi mo magawa?" kunot noo niyang tanong sa akin.

Kumukulo na talaga ang dugo ko sa lalaking ito. Madaling magtimpla ng kape. Ang mahirap, ay ang makuha ang gusto niyang lasa!

Hinawakan ko ang dibdib ko at bahagyang pumikit sabay hingang malalim upang makalma ang sarili. Baka mapagtaasan ko siya ng boses. Hindi niya magugustuhan iyon at baka masisante pa ako.

Secret ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon