Convoy kami papuntang Batanggas. Katabi ko si Alex at nasa passenger seat naman si Joce. Nagsama kami ng isang driver dahil wala naman sa amin ang marunong magmaneho. Siguro si Alex, for sure marunong mag drive. Pero sa kalagayan niya ngayon, imbes sa Batanggas ay sa purgatoryo kami mapunta.
"Grabe ang sosyal naman ng sasakyan niyo, sir. Ganito ang mga nakikita ko sa mga artista. Sobrang comfy!" anas ni Joce.
Napansin ko nga ang interior design ng sasakyan. Kakaiba siya sa normal na itsura ng mga sasakyan. May TV pa ito sa loob at sa mga karaniwang van ay tabi-tabi ang mga upuan, dito hindi.
"There's a mini fridge at the back. You can get whatever you wanted. You can use the TV, too," sabi niya sa amin at balak kong pigilan si Joce pero tumayo na siya!
"Thank you, sir! Ang bait-bait niyo talaga!" aniya at halatang sarkasmo naman ang sinabi niya.
Pumunta na siya sa likod at nakita kong binuksan niya ang parang isang maliit na ref. Kumuha siya ng dalawang root beer at inabot niya ang isa sa akin.
"Kayo sir? May gusto kayo?" tanong ni Joce pero umiling lang siya.
Bumalik naman na sa upuan si Joce at bubuksan ko na sana ang can ng root beer pero ang hirap niyang buksan! Bakit sa mga can ng softdrinks, e, madali lang? Bakit 'to, ang tigas?
Napalingon si Joce sa akin at nakita niyang nahihirapan ako sa pagbubukas no'n.
"Matigas ba? Ipa-open mo kay sir, o," walang hiya niyang sinabi at tinalikuran niya ako.
Napatingin si Alex sa akin at ngayon ko lang ipinagpasalamat na bulag siya. Hindi niya makikita na namumula na ang pisngi ko sa walang hiyang Joce na inutusan pang mag bukas ang amo namin!
"Let me," aniya sabay lahad sa kamay niya.
Wala na akong nagawa kundi ang ibigay sa kanya iyon at siya na mismo ang nagbukas. Kahit wala siyang nakikita ay alam na alam niya kung saan kailangan buksan iyon. Walang kahirap-hirap niya iyong binuksan at ibinigay sa akin.
"T-Thanks," sabi ko at tumango siya sabay tingin sa bintana at namula ang teynga niya. Pinigil ko ang ngiti ko at ininom na lang ang root beer.
Hindi ko na namalayan kung ilang oras kami nasa byahe dahil tanghali na nang dumating kami sa Batanggas. Nagising na lang ako sa pagsisisigaw ni Joce. Tulong-tulong din kaming dalawa sa pag-akyat ng mga mga gamit dahil tatlong araw pala kami mamamalagi rito.
"Welcome to my rest house," bati ni Mico sa amin at napansin kong mayroon ng mga bartenders sa isang mini bar. Kaharap ng pool ay dagat. Two-storey rest house iyon at sobrang cozy ng theme ng buong bahay.
"Mic, ikaw na magdala kay Alex sa labas. Ihahatid ko lang sila Honey sa kwarto nila," saad ni Andrew.
"Alright," si Mico.
"Inaantok ako," biglang sabi ni Alex at nagkatinginan kami. Ngumiti naman si Andrew at umiling.
"Alright, ituturo ko ang kwarto niyo," aniya at umakyat na kami sa taas.
Malawak ang second floor at may overlooking terrace pa kaharap sa dagat. Labas masok ang hangin sa loob ng bahay galing sa dagat na nagbibigay ng preskong pakiramdam.
"Four rooms ang meron sa bahay na 'to. Dalawa dito sa taas at dalawa sa baba. Kami na ni Mico sa baba so, pili na kayo ng gusto niyong kwarto, Hon," ani Andrew sa akin at bahagya siyang ngumiti.
Kung hindi ako nagkakamali, hindi purong pinoy itong si Andrew dahil sa kulay ng mga mata niya at balat niya. Mukha siyang italian at bagay sa kanya ang medyo mahaba niyang buhok. Malaki rin ang pangangatawan niya. Silang tatlo naman ay parang pare-pareho lang ang pangangatawan.
BINABASA MO ANG
Secret Scent
RomanceLove is blind, literally. She fell in love to a blind man which happen to be her boss. Siya ang naging daan, at liwanag sa madilim na mundo ni Alexander Gallendre ang nag-iisang anak ng yumaong mag-asawang Gallendre. It wasn't a smooth sailing for...