Napatigil ako at napatitig sa kanya. Narinig ko ba talaga 'yon o guni-guni ko lang? Tulog na tulog na si Sir Alex at amoy alak pa. Habang nag-iisip ay pinunasan ko na siya nang sa gano'n ay makapagbihis na. Sino naman kaya ang hinihingan niya ng sorry? Ako kaya? Pero hindi naman niya sinabi ang pangalan ko.
Matapos kong bihisan ang pang-itaas niyang damit ay napa titig ako sa kanya. Kung siguro hindi lang ganyan kataas ang balbas niya at magmumukha siyang tao. Natatawa ako sa naiisip at wala sa sarili kong hinawakan ang kanyang pisngi.
Nilukob ako ng kaba sa dibdib ko at unti-unti na akong nasasanay roon. Siguro dahil ay humahanga ako sa kanya o baka naaawa ako sa kanya. Napapikit ako nang biglang sumakit ang ulo ko at halos mapasigaw ako sa sakit. Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang paglabas ng boses ko habang nakahawak ako sa ulo ko.
Biglang pumasok sa aking isipan ang isang alaala.
"Nanay! Ang laki naman ng bahay na ito!" mangha-mangha kong inilibot ang aking mga mata sa kabuoan ng bahay. Dala-dala ni Nanay ang mga gamit namin dahil dito raw siya magta-trabaho at walang magbabantay sa akin dahil may trabaho naman si Tatay.
"Huwag kang malikot anak, ha. Habang nagta-trabaho ako ay doon ka lang sa kwarto natin at huwag kang lalabas kung hindi ako ang kasama mo. Naiintindihan mo ba anak?" paalala sa akin ni Nanay at magiliw naman akong tumango.
May sumalubong sa aming isang matandang babae at hindi ko na makuha kung anong pinag-uusapan nila dahil abala ako sa pagtingin at pagkamangha sa buong bahay. Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kagandang bahay!
Biglang may bumaba na mag-asawa at nasa likod nila ang isang batang lalaki na busangot ang mukha. Lumiwanag ang aking mukha dahil may makakalaro pala ako habang nagta-trabaho si Nanay!
"Anak mo na ba 'yan? Parang kailan lang, ah. Welcome sa aming tahanan at sa iyong anak na rin. May makakalaro pala itong unico hijo ko," masayang saad ng babaeng maganda may magandang kutis. Nakikita ko sa mukha niya na mabait siya at tahimik naman ang lalaking nasa tabi niya.
"Oo ito na ang aking anak. Pasensya na talaga at sinama ko siya dahil wala talaga ako mapagbibilinan sa kanya," malungkot na saad ni Nanay sabay tingin sa akin.
Nagsimula na ang trabaho ni Nanay at nandito ako sa aming kwarto ngayon. Nababagot na ako at gusto ko nang lumabas. Kahit pa may TV ang kwartong ito ay gusto ko nang maglaro. Kahit kinakabahan ako na baka makita ako ni Nanay ay nagbakasakali akong lumabas. Saglit lang naman, titingin lang ako sa labas at babalik rin dito.
Palipat-lipat ang tingin ko at tahimik naman ang paligid. May daan pakanan at pakaliwa. Naguguluhan ako kung saan ako pupunta. Sa huli pinili ko ang pakaliwa.
Napagtanto kong ang daming pintuan sa bahay na ito at hindi na ako lubusang maaliw pa dahil kakaiba na ang nararamdaman ko at hindi ko na mapigilan. Malayo-layo na ang nilakad ko at mukhang aabutan na ako kaya dumiretso na ako sa isang pinto sa dulo at binuksan iyon.
Madilim ang kwarto pero may kunting liwanag naman galing sa kurtina dahil mataas na ang araw. Wala na akong pakialam pa kung anong kwarto iyon at dumiretso na ako sa pintuang nakabukas at nagpasalamat ako nang makitang ang cr na iyon.
Tagumpay ko namang nailabas ang aking masamang saloobin nang biglang pumasok ang batang lalaki na kinukusot pa ang kanyang mga mata. Dahil sa gulat at hiya dahil nakaupo pa ako sa inidoro ay napasigaw ako.
"Teka! Huwag kang titingin! Huwag mong ididilat ang mga mata mo! Binabalaan kita!" banta ko sa bata na kasalukuyang nasa mga mata pa rin ang mga kamay at naestatwa siya.
Habang hindi gumagalaw ang bata ay mabilis akong naglinis at nai-flush ko na rin ang ebidensya. Ngunit, may dumukit na mantsa at napangiwi ako at nandiri.
BINABASA MO ANG
Secret Scent
RomanceLove is blind, literally. She fell in love to a blind man which happen to be her boss. Siya ang naging daan, at liwanag sa madilim na mundo ni Alexander Gallendre ang nag-iisang anak ng yumaong mag-asawang Gallendre. It wasn't a smooth sailing for...