Tamad akong napadilat nang marinig ang nag-iingay kong cellphone. Imbis na bumangon, pinatay ko ang alarm. Bakit pa 'ko babangon nang maaga kung may gagawa naman sa nakaatas sa akin?
Napatitig ako sa kisame at inisip kung ano ba talaga itong nararamdaman ko para kay Alex. Siguro nga gusto ko siya ng kunti dahil sa mga kaunting pagbabago niya. Pero ano naman ang nararamdaman niya para sa akin? Alam kong naguguluhan lang siya sa presensiya ko dahil nararamdaman niya sa akin ang babaeng tunay niyang gusto. At nandito na nga siya ngayon.
Napaahon ako sa gulat nang biglang may sunod sunod na pagkatok. Pati si Joce ay nagising rin. Busangot ang mukha niyang napatingin sa akin, saka pa ako tumayo para buksan ang pinto.
Pagkabukas ko ng pinto, bumungad doon si Jasmine na malaki ang ngiti.
"Good morning!" bati niya at napatingin sa likuran ko, "Did I wake you up? I need your help kasi in preparing Alex's food. Is it okay?" aniya at matamis na ngumiti.
Nakalimutan ko nga pala na magpapatulong siya! Nakakahiya at ang tagal kong bumangon. Tumango ako at mas lalong lumapad ang ngiti niya.
"Maliligo lang ako saglit..." sabi ko.
"Alright! Gonna wait for you in the kitchen na lang, ha?" aniya at umalis na.
Nagmadali naman ako sa paliligo at pagbihis nang matulungan na siya.
"Pasipsip masyado," bulong-bulong ni Joce habang inaayos niya ang damit pamalit. "Hindi ko siya gusto, ewan! Naiinis ako sa kanya, Honey."
Pagod ko siyang binalingan. "Wala naman siyang ginagawang masama, Joce."
"Ah, basta! Ikaw ba feel mo siya? Kasi ako hindi, e. Kung nakita mo lang sana paano niya niyakap si Alex pagdating niya!" iritado niyang sabi.
Umiling na lang ako. Wala naman akong masabi dahil parang okay lang naman siya para sa akin. Matapos kong mag-ayos ay dumiretso na ako sa kusina.
Pagkadating ko doon ay naabutan ko pa si Jasmine na tinuturuan ni Nay Lolit sa paghihiwa ng bawang. Kahit sa paghawak niya ng kutsilyo ay ang sosyal tingnan.
Lumapit na ako at saktong napaangat siya ng tingin.
"Sorry, nagpaturo na ako kay Nay Lolit, ang tagal mo kasi..." sabi niya at nagpatuloy na sa paghiwa.
Nagkatinginan kami ni Nay Lolit at alanganin kaming nagngitian. Inayos ko na lang ang mga gamit na nakakalat sa counter island. Dahil nariyan naman na si Nay Lolit para turuan siya, kaya hindi na ako kailangan.
Wala sa sarili naman akong napatingin sa relos ko at nakitang tanghali na. Dapat nakahatid na ng pagkain ngayon sa kwarto ni Alex.
"Uh, Nay? May nailuto na po ba? Tanghali na," nag-aalala kong sabi at nakitang naging problemado rin ang mukha ni Nay Lolit.
"Meron naman na, hija."
"I'm gonna cook pa kasi dapat. Pero since matagal kang bumangon, bukas na lang ako magluluto. I'm gonna go wake Alex up. You bring us food."
Iniwan ni Jasmine ang ginagawa at naglakad na paalis. Natulala ako sa sinabi ni Jasmine. Galit ba siya? 'Yan kasi, Honey! Kung bakit hindi ka bumangon nang maaga!
"Honey..." tawag sa akin ni Nay Lolit.
"Po?"
Lumapit siya sa akin at hinawakan niyang higla ang kamay ko. Nagtataka tuloy ako kung bakit ganito ang ginagawa niya.
"Huwag kang papaapekto. Maging matatag ka ..." aniya at mas lalo lang akong nagtaka.
"A-Ano pong ibig n'yong sabihin?"
BINABASA MO ANG
Secret Scent
RomanceLove is blind, literally. She fell in love to a blind man which happen to be her boss. Siya ang naging daan, at liwanag sa madilim na mundo ni Alexander Gallendre ang nag-iisang anak ng yumaong mag-asawang Gallendre. It wasn't a smooth sailing for...