Kabanata 10

789 24 3
                                    

Pumasok na si Joce at nagpadala na lang ako ng letter para sa prof namin kasama na rin ang medical certificates ko kung bakit ako liliban. Siguro naman bukas ay papayagan na ako ni Nay Lolit na magtrabaho at nang maka pasok na rin ako.

Lumabas ako ng kwarto dahil bagot na bagot ako. May TV naman sa loon ng kwarto pero nasanay na kasi akong mag trabaho. Pagkalabas ko nang kwarto ay nagdadalawang-isip ako kung saan ako pupuntasa kaliwa ba o sa kanan.

Napatigil ako. Parang nakita ko na 'to dati. Inisip ko kung saan pero wala akong maalala. Dumiretso ako pababa at narinig kong parang may nag-uusap sa beranda kaya sumilip ako ng bahagya.

Si Mico at Andrew nandito pala pero wala naman si Alex. Silang dalawa lang ang nag-uusap.

"Sa pagdating ni Jasmine, saka natin siya ayaing ipagamot na ang mga mata niya. O baka siya na mismo ang magpapagamot sa sarili niya kung malaman niyang buhay si Jasmine," ani Mico kay Andrew.

Siya ba 'yong Jasmine na tinutukoy na ni Alex dati?

"Yeah, can't wait. Finally, old Alex will be back," masayang sabi ni Andrew at hindi na ako nakinig pa. Dahil kakaiba ang nararamdaman ko sa usapan nila.

Jasmine...bakit parang naninikip ang dibdib ko sa tuwing naririnig ko ang salitang iyon?

"Hesus maryusep na bata ka! Bakit ka naghuhugas diyan?!"

Muntik ko na tuloy mabitawan ang bowl na hawak ko dahil sa gulat ko kay Nay Lolit.

"Okay lang po. Hindi pa kasi ako makatulog kaya lumabas na muna ako at maayos na po talaga ang pakiramdam ko," paliwanag ko sa kanya.

Napailing na lang siya at may dalang tray ng pagkain na wala ng laman. Mukhang galing kay Alex iyon.

"Ikaw talaga bata ka. O siya, pagkatapos mo riyan ay maari mo bang hatiran ng tsaa ang dalawang binata roon sa beranda?" aniya at tumango naman ako.

Biglang pumasok sa isipan ko si Jasmine at napatingin ako kay Nay Lolit. Posible kayang alam ni Nay Lolit kung sino si Jasmine? Dahil aniya, nagsisilbi na siya sa pamilyang ito simula pa sa mga magulang ni Alex. So, posible nga iyon.

Tumingin sa akin ang ginang at nagtataka kung bakit ako nakatitig sa kanya.

"May tanong ka?" anas ng ginang at tumango.

"Magtanong ka lang sa akin hija kung gusto mo," dugtong pa niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na magtanong pa.

"Sino po si Jasmine?" diretsahan kong tanong at parang nagulat si Nay Lolit. Huminga na muna siya ng malalim at nagpunas ng kamay bago ako tiningnan sa mata at ngumiti siya.

"Kababata ni Alex si Jasmine. Halos hindi na nga maghiwalay ang dalawa noon. Pati sa pagtulog ay magkatabi sila na para bang magkapatid na," panimula ng ginang at interesadong-interesado na akong pakinggan ang lahat."Hindi mahilig makipag-kaibigan si Alex no'ng kabataan niya. Masyadong pihikan sa kaibigan at laging nagkukulong sa kwarto. Pero nang makilala niya si Jasmine, ang makulit na batang iyon ay pinalambot niya ang puso ni Alex," ani Nay Lolit at tumitig siya sa akin dahilan kung bakit medyo nailang ako sa mga titig niya pero ngumiti naman siya kaya nakalma ako kahit papano.

"Simula noong maging close na ang dalawang bata, saka pa nagkagulo ang lahat. Naunang nawala si Jasmine saka pa ang mga magulang ni Alex kung kaya't naiintindihan ko ang sakit na dinaramdam ng batang iyon."

Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa kwento ng ginang. Isang malaking parte sa buhay ni Alex si Jasmine...at magbabalik na siya. Siguro naman ay bubuti na rin ang kanyang pakiramdam.

"Nawala ang masiyahing Alex, makulit, mapag-alala. Bumalik ang dating Alex. Ang dating masungit, palaging galit at hindi mo halos makausap," malungkot na saad ng ginang at nakikita ko sa kanya napamahal na rin siya kay Alex sa tagal niya sa pamilyang ito.

Secret ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon