Kabanata 7

838 27 7
                                    

"Ano iyon? Bakit ka nagsinungaling, Honey? Ikaw na nga ang nasaktan, siya pa itong pinagtakpan mo," agad na sermon sa akin ni Joce.

Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa iyon. Basta ko lang naisip na ayokong maging masama siya sa paningin ng mga kaibigan niya.

'Yong totoo, Honey?

Napasandal ako sa headboard ng kama. Iniisip kung paanong gano'n ang sinabi ko. Nakaramdam ako ng awa sa kanya simula nang maikwento niya sa akin ang tungkol sa kababata niya. Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan.

"Gusto mo si sir Alex 'no, Honey?" dugtong pa niya na nagpagulat sa akin.

"Hindi, ah! Parang pinagtakpan lang naman 'yong tao. Gusto agad?" giit ko sa kaibigan na sinusuklay ang buhok at nanliliit ang mga mata na nakatingin sa akin. Parang binabasa niya ang mukha kong nagsasabi ba ako ng totoo.

Hindi ko naman talaga siya gusto. Naaawa lang ako sa kanya.

Umismid siya. "Mhmm. Bakit mo nga pinagtakpan?" ulit na naman niya at umirap na ako sabay iling.

"Naaawa nga kasi ako 'di ba?" iritado kong sagot dahil parang hindi siya titigil hanggat hindi niya naririnig ang gusto niyang isagot ko.

"Sa sarili mo hindi? Ilang beses ka nang napahamak dahil sa kanya, Honey. Baka nakakalimutan mo, ipapaalala ko lang sayo," aniya.

Totoo ang sinabi ni Joce. At hindi pa siya humihingi sa akin ng tawad. 'yon lang kung may balak siyang mag sorry sa akin.

"Basta wala akong gusto sa kanya. Iyon na 'yon," tanging sagot ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-aral saglit. Pang pa refresh lang ng utak. Matapos ay naligo na rin ako at nagbihis saka ko pa ginising si Joce. Halos hindi niya ako patulugin kagabi dahil sa pangungulit niya sa akin tungkol sa pinagtakpan ko si Alex sa mga kaibigan niya.

Dala-dala ko ang agahan ay diretso na ako sa kwarto niya. Gano'n pa rin, hindi ako kumakatok at baka madisturbo ko ang tulog niya. Nang makapasok ako ay dahan-dahan kong nilapag sa mesa ang tray ng pagkain at pinanuod siya habang natutulog.

Mag-aalas otso na at mahimbing pa rin ang tulog niya. Bahagya akong lumapit sa gilid ng kama niya at tiningnan siya ng mabuti. Sobrang payapa niyang tingnan habang natutulog. Ang bait-bait niya pang tingnan, akala mo naman talaga hindi mahiig maninghal.

Naisip ko, ganyan rin kaya ang ugali niya noong buhay pa ang mga magulang niya? Ano kaya ang ugali niya dati. Yumuko ako at mas lalong tinitigan ang mukha niya. Napunta ang paningin ko sa labi niya na medyo natatabunan nang bigote niya. Siguro kong magpapagupit siya ay ang gwapo niyang tingnan.

Parang umatras lahat ng dugo ko sa mukha nang bigla na lang siyang nagmulat ng mata at sa akin agad ang tingin niya. Sa sobrang pagkataranta ko ay nasampal ko siya!

"Aw! Sino 'yon?!" sigaw niya at napabalikwas siya sa pagkakahiga niya habang hawak niya ang pisngi niya. Labis akong kinabahan sa ginawa ko. Nakalimutan kong bulag pala siya kaya akala ko nakita niya akong nakatitig sa kanya kaya nasampal ko siya.

"S-Sir...n-nanaginip po kayo," agad akong nagsalita at hindi na maipinta ang mukha ko sa sobrang kaba lalo na at nakikita kong nagkasalubong na naman ang mga kilay niya.

"I was dreaming?" hindi makapaniwala niyang tanong. Mukhang naniwala naman yata siya.

Tumango ako. "Yes sir. A-Ano po ba ang...napaginipan niyo?" patay malisya kong tanong.

Ginalaw niya ang panga niya dahil napalakas yata ang sampal ko. Medyo namumula pa nga ang pisngi niya.

"May sumampal sa akin. And it feels so real," aniya at napakagat ako sa kuko ko. Kung nakakakita lang siguro siya ngayon. Sigurado akong hindi ako maka-kapagsinungaling. Mahahalata niya sigurado iyon sa itsura ko na kinakabahan ako...na hindi 'yon panaginip!

Secret ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon