Maaga kaming lahat nagising para sa pag-uwi. Medyo inaantok pa nga ako dahil alas-4 pa lamang. May mga business meeting kasi si Andrew at Mico kaya kailangan namin umalis nang maaga.
Nasa iisang sasakyan pa rin kami ni Alex at Joce kasama ang driver. Nakatulog rin naman ako sa byahe kaya nang magising ako ay narating na namin ang mansyon.
Naghanda kami ni Joce para sa pasok namin mamayang gabi dahil ilang araw din kaming absent at wala pang excuse letter! Siguradong masasabon kami nito ng prof namin.
Pinag day-off din kami ni Alex at pinagpahinga na lang kahit na nakapagpahinga naman na kami sa byahe.
Natulog si Joce pagkarating namin at napag desisyonan kong bisitahin si Tatay. Dahil matagal na rin nang huli ko siyang mapuntahan.
"Dolfu! May dalaw ka!" sigaw ng lalaki at nakaupo ako sa mesa dala ang pagkain at mga damit na binili ko bago nagpunta dito.
Medyo marami ang dumalaw ngayon kaya swerte at may bakanteng mesa pa akong naabutan. Habang naghihintay sa paglabas ni Tatay ay napatingin ako sa kabilang mesa na kumakanta ng happy birthday.
Mapait akong ngumiti habang tinatanaw sila. Kahit nakakulong ang Tatay nila ay buo ang pamilya nilang dumalaw. Samantalang ako, mag-isa na lang. At parang hindi pa nasisiyahan si Tatay sa tuwing dumadalaw ako.
Nang makita ko si Tatay ay naghanap ang kanyang mata. Masaya siya at mukhang excited, nakakapanibago ang expression niya ngayon.
Palagi naman kasi siyang busangot at parang naiirita sa tuwing nandito ako.
Nang mag-abot ang mga paningin namin ay napawi ang kanyang ngiti na siyang nagpakirot sa dibdib ko. May iba ba siyang inaasahang dumalaw bukod sa akin?
Kanina lang nang hindi pa niya ako nakikita ay mukha siyang masaya...pero ngayon...hindi na.
Sino naman ang aasahan ni Tatay na ibang dadalaw sa kanya bukod sa akin? Wala naman dito ang mga kamag-anak namin. At kahit alam nila ay hindi man lang ni minsan nilang dinalaw si Tatay.
Naglalakad siya papalapit sa akin at naupo sa katapat na upuan.
"O, akala ko nakalimutan mo nang may ama ka dito. Ano'ng dala mo?" sabay pahaklit niyang binuksan ang paper bag na dala ko na may lamang pagkain.
Binilhan ko si Tatay ng masarap na pagkain sa isang medyo mahal na restaurant para makakain naman siya ng masarap kahit minsan.
"Kumusta po kayo," tanong ko habang nakatingin sa kanya na binubuksan ang mga tupperware ng pagkain.
Inamoy niya pa iyon bago nagsimulang kumain. Hindi man lang ako tinapunan nang tingin.
"Kung sinabi ko bang ayos lang, maniniwala ka? Paano magiging maayos ang taong nasa kulungan? Siyempre, hindi!" sikmat niya sa akin at napayuko ako.
Hindi ko na lang inisip ang sagot niya at kinausap pa siya.
"Tay...bakit kayo nakulong..."
Kinakabahan ako sa tanong ko pero hindi ko na mapigilan. Gustong-gusto kong malaman ang lahat kung ano ang dahilan kung bakit siya nandito.
Nag-angat siya nang tingin sa akin at matalim ang titig niya. Parang galit sa akin si Tatay. Masama ba ang tanungin siya tungkol doon? May karapatan naman siguro ako dahil anak naman niya ako.
"Kung sasabihin ko ba sa'yo...matutulungan mo akong makalabas dito?" aniya at wala sa sarili akong tumango.
Iyon naman talaga ang plano ko kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Kukuhanan ko siya ng magaling na abogado para mapalabas siya dito. Pero kailangan ko munang malaman ang dahilan ng pagkakakulong niya.
BINABASA MO ANG
Secret Scent
RomanceLove is blind, literally. She fell in love to a blind man which happen to be her boss. Siya ang naging daan, at liwanag sa madilim na mundo ni Alexander Gallendre ang nag-iisang anak ng yumaong mag-asawang Gallendre. It wasn't a smooth sailing for...