Ang hirap maging mahirap. Iyong tipong isang kahig isang tuka ka. Bawat galaw mo ay kailangan ang pera. Ang hirap gumalaw kung wala kang pera, at higit sa lahat, ang hirap mabuhay kung wala kang pera.
Naglalakad ako sa isang tirik na tanghaling tapat papunta sa Bilibid Prison. Bitbit ko ang supot na may lamang ulam at kanin. Ihahatid ko ito kay Tatay. Apat na taon na kasi siyang nakakulong simula ng maganap ang trahedyang hindi ko ko alam kung ano ba talaga ang buong storya.
Namatay si Nanay na hindi man lang sinabi sa akin ang dahilan kung bakit nakakulong si Tatay. Kahit si Tatay man din ay ayaw mag kwento sa akin tungkol sa nangyari.
"Rodulfo! May dalaw ka!" tawag ng police kay Tatay sa loob ng selda niya.
Nakaupo ako sa malayong upuan na palagi naming inuupuan ni Tatay sa t'wing dadalaw ako. Kahit pa gusto kong araw-arawin ang pagpunta rito ay hindi ko kaya. Nag-aaral ako sa kolehiyo at pinagsasabay ko iyon sa pagtatrabaho ko sa isang fastfood chain.
"Tay!" sabi ko at napatayo agad ng makita siyang papalapit sa akin. Malaki ang pinagbago ng itsura niya simula ng makulong siya.Pati na rin ang pag-uugali niya. Ang dating masiyahing ama ko ay naglaho na parang bula.
Busangot na mukha ang bati niya sa akin , sabay upo niya. Hindi siya nagsasalita gaya ng palagi niyang ginagawa kapag dinadalaw ko siya.
"2nd year college na ako, Tay. Dalawang taon na lang may anak ka ng isang engineer...kung makakapasa sa board exam." panimulang kwento ko habang nagsisimula na siyang kumain.
"Pero siyempre, pagsisikapan kong makapasa nang sa gano'n ay maikuha kita ng isang magaling na abogado." pagmamalaki kong sinabi ngunit binigyan niya lang ako ng isang walang ekspresyong mukha.
Gano'n ang eksena palagi. Walang usapang nangyayari.
Pagkauwi ko ay agad kong ginawa ang aking assignment. Linggo naman kasi ngayon at rest day ko pa, kaya, libre ako sa araw na ito.
Isang sunod-sunod na katok ang narinig ko kaya agad akong napabalikwas at binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin si Aling Marites.
Alam ko na ang pinunta niya rito.
"Anong petsa na Honey? Akinse na, ah!" paniningil niya sa akin.
"Pasensya na talaga Aling Marites. Wala pa talaga aking pera ngayon. Bigyan niyo pa po sana ako ng kaunting panahon." pagmamakaawa ko sa kanya.
Agad nasira ang mukha niya sa sinabi ko habang pinapaypayan ang sarili.
"Extension na naman? Baka sunduin na lang ako ni kamatayan ay hindi ka pa rin nakakabayad sa akin. Aba, hindi pwede iyon!" sikmat niya sa akin.
Sinubukan kong abutin ang kamay niya pero iniwas niya iyon sa akin.
"Kahit isang buwan lang, Aling Marites. Pangako, ibabalik ko ang pera niyo ng buo." pagsusumamo ko.
"Kung hindi mo kaya, pwede ka namang pumayag sa alok ko. Pwede ba itong bahay niyo pati na rin ang mga gamit." aniya sabay pinaikot ang mga mata sa kabuoan ng bahay.
Umiling naman ako agad. Hindi ako papayag. Ito na lang ang tanging meron ako. Andito rin ang mga alaala ni namin nila ni Nanay at Tatay, kaya maghahanap ako ng paraan para makabayad.
Kahit anong paraan.
"Isang buwan. Ihahatid ko sa inyo ang pera. Nangangako ako, Aling Marites,"paninigurado kong sinabi sa kanya at mukha naman siyang nakumbinse roon sa sinabi ko.
Inirapan niya ako at pinaypayan ulit ang sarili.
"O siya, sige! Basta huli na 'to, Honey. Paglampas ng 30 ngayong buwan na 'to at hindi ka pa rin nagbabayad. Pwes, magbalot-balot ka na. At tatandaan mo, damit mo lang ang dadalhin mo! Maiiwan lahat ng gamit! Nagkakaintindihan ba tayo, Honey?" saad niya at tumango ako.
Paano ko naman kaya mahahagilap ang 200 thousand pesos sa loob ng isang buwan? Saan ako kukuha ng gano'n kalaking pera?
Sobrang laki kasi ng nagastos namin sa pagpapagamot kay Nanay, lalo na't cancer ito. Kahit pa may trabaho no'n si Tatay ay hindi pa rin namin kinaya ang gastusin sa hospital. Hindi rin naman kalakihan ang kinikita ko sa fastfood chain na pinagtatrabahuan ko. Isama mo pa na nag-aaral ako.
Buti na lang talaga at scholar ako dahil kung hindi, ay ewan ko na lang. Baka hindi ako nag-aaral ngayon.
Lunes, may pasok ulit ako. Maaga pa lang ay gising na ako upang maghanda sa pagpasok. Hanggang alas-5 naman ang klase ko. Pero depende pa rin iyon. Pagkatapos no'n ay diretso na ako sa trabahao ko hanggang alas-10. Ni wala na akong oras para sumama sa mga anyayang liwaliw ng mga kaibigan ko. Gustuhin ko man ay hindi rin naman ako pwede.
Siniko ako ni Joce sa aking tagiliran. Napabaling naman ako sa kanya habang inaayos ang apron niya. Kasamahan ko siya sa trabaho at siya na yata ang masasabi kong matalik kong kaibigan.
"Mukhang huling linggo ko na yata 'to, bee. Magre-resign na ako." aniya at kumunot ang noo ko roon.
Katulad ko ay scholar din siya pero iba ang kurso niya. Siya lang din ang nagpapa-aral sa sarili niya, dahil gaya ko rin ulila na rin siya.
"Bakit ka aalis? Paano na ang pag-aaral mo?" takang tanong ko sa kanya.
"Gaga! Siyempre, aalis ba ako kung wala akong mapapasukang ibang trabaho? Mas maganda kasi and offer doon at stay in pa. Kaya umo-o na 'ko agad."
Bigla akong nagka interes sa sinabi niya. Baka pwede ako sa lilipatan niya. Balak ko rin namang umalis dito dahil hindi kaya ang sweldo ko para mabuo ang malaking utang ko kay Aling Marites.
"Saan naman 'yon? Pwede kaya ako roon?" tanong ko sa kanya.
Inakbayan niya ako at umupo sa crew area sabay bulong sa akin.
"Pwedeng-pwede! Pero mahirap ang bakanteng posisyon na pwede mong pasukan," bulong niya sa akin at hindi ko alam kung bakit siya bumubulong.
"Bakit ba tayo nagbubulungan?" sabi ko at nagpalinga-linga. Kami lang namang dalawa ang nasa crew area.
Ngumiti siya sa akin." Wala lang, trip ko lang," sabay hagalpak niyang tawa.
Inirapan ko naman siya agad.
"Ano nga kasi ang trabahong 'yan?" iritado kong tanong sa kanya.
"Natanggap akong katulong sa isang mayamang pamilya. At ang posisyong sinasabi ko sayo ay medyo mahirap. Pero tiba-tiba ka sigurado! Hindi ko nga lang 'yon tinanggap. Bawal kasi malisyosa sa posisyong iyon," pagpapaliwanag niya sa akin.
Ngayon, mas lalo na akong na-curious kong anong klasing trabaho ang sinasabi niya.
"Diretsahin mo nga ako, Joce," kuryoso kong sinabi.
"Ang sinasabi kong posisyon ay personal na katulong ng anak ng mayamang pamilya. Siguraduhin mo lang na hindi ka malisyosa at makakaya mo lahat ng ipapagawa sayo," aniya pa.
"Magkano naman ang sweldo?" tanong ko at baka ito na makakalutas sa problema ko.
Ngumisi ng malaki si Joce bago pa nagsalita.
"Tumataginting na fifty thousand per month, Honey! O 'di ba, sabi ko sayo maganda ang offer pero... handa ka ba?" tanong niya sa akin pero ang utak ko ay nalula sa unang sinabi niya.
50k per month?! Sinong aayaw diyan? Kahit gaano pa 'yan kahirap ay kakayanin ko. Ito na ang pagkakataon ko upang makabayad sa utang namin. Puwede naman siguro akong mag cash advance 'di ba?
Hinawakan ko kaagad ang dalawang kamay niya at tumango tango na may kagalakan sa mukha.
"Sasama ako sayo, Joce. Handa ako. Kailangan ko ng malaking halaga para pangbayad sa utang namin sa kapit-bahay," saad ko.
"Kung gano'n, gumawa ka na agad ng resignation letter para sabay tayong aalis at magsisimula sa bago nating trabaho.." payo ni Joce.
At gano'n nga ang ginawa ko. Agad akong gumawa ng resignation letter. Para rin akong nabunutan ng tinik dahil sa lilipatang trabaho.
Kahit hindi ako sigurado kung anong meron do'n ay pagsisikapan ko iyon para makuha ang gusto ko.
Napaisip din ako sa sinabi ni Joce. Bawal ang malisyosa? Bakit naman kaya? Anong klasing tao naman kaya ang pagsisilbihan ko?
Kahit na ano pa man 'yan. Tutuloy pa rin ako. Hindi makukuha ni Aling Marites sa akin ang aming bahay.
BINABASA MO ANG
Secret Scent
RomanceLove is blind, literally. She fell in love to a blind man which happen to be her boss. Siya ang naging daan, at liwanag sa madilim na mundo ni Alexander Gallendre ang nag-iisang anak ng yumaong mag-asawang Gallendre. It wasn't a smooth sailing for...