Sinta ko, naaalala mo paba?
naaalala mo paba?
Ang ating kahapong ubod ng tamis,
Mga damdaming hindi naghihinagpis,
Mga kahapong kasiyaha'y bumubuhos.Sinta ko, naaalala mo paba?
naaalala mo paba?
Mga sandaling tayo'y magkayakap,
Alalahanin ay di natin inaakap,
Init lang ng iyong pag-ibig
Sa kaluoba'y yumayakap.Sinta, naaalala ko pa,
naaalala ko pa,
Mga sumpaan natin sa isa't isa,
Na tayo'y magsasama
Sa hirap man o ginhawa,Naaalala ko pa,
Naaalala ko pa, palitan natin ng mga,
matatamis na salita sa isa't isa,
Mahal kita, mahal Mo ako at di na magbabago pa.Ngayon,
Ngayon
Inaalala ko nlng mga sandali,
Panahong yakap ka
At nasa 'king tabi,
Mga matatamis mong halik,
Sa akin dumadampi.Ngayon, ngayon
Kahit ako' y nasasaktan,
Sayo'y nangungulila,
Sinasarili nalang mga pagdadamdam,
Dahil ngayo'y mayroon ng iba,
Na nagpapaligaya sa aking sinisinta.Ngayon, ngayon
Iba na ang sayo'y nagpapaligaya,
Kahit gayun paman,
Sana'y huwag mong kalimutan,
Tamis ng ating nagdaan.
Lagi mong tandaan,
Ang naging tayo'y di ko pinagsisihan.Inaamin ko,
Inaamin ko, ako'y nagkamali,
Pagkukulang ko,
Naghatid sayo sa kaniyang tabi.Sa tuwing naaalala ko,
Kahapong Kay tamis,
Sa sarili ko Alam ko
Ikaw parin,
Sa iba may sinasabi,
Mga kataga ng pagmamahal,
Ngunit saking kaluoban
Ang iniibig ay ikaw parin.
YOU ARE READING
Tulang Handog
PoetryA compilation of short tagalog or english poems about anything. P.S the poems are not related with each other. Not yet proofread