Ika-Anim Na Tula (Kapit II)

509 6 0
                                        

Kadilima'y tanaw

hinanap ang nag-iisang ikaw.

Puso'y nasasaktan

Pagkat ika'y walang paalam kung lumisan.

Ikaw ang siyang unang pag-ibig,

Ang unang pag-ibig na parang naglaho'ng tubig.

Naging hangi'ng di na mahahawakan

Na kailanma'y di na makikita kahit saan.

Ika'y nawala dahil sa'yong kaibigan

Siya'y 'yong sinagip sa kamatayan

Kahit 'yon naman talaga ang kaniyang kagustuhan.

Ako'y nagugulumihanan

Diko mawari iyong mga dahilan

Na parang mas pinili ang kamatayan

Kesa sa makasama ako sa gitna ng kapayapaan.

Lahat ay di matanggap kaya
siya' y pinakasalan

Ang kaniyang mga matang tila'y kalawakan

Ay aking pinatangis, pinahagulhol at di tinahan.

Siya'y sinisi, pinaasa't lahat, lahat

Ngunit di mawari, puro niyang pagmamahal saki'y sumalat.

Pagsisilbi, pag-aalaga't, hinandogan

Nang kaniyang pagmamahal na di napaparam

Mapanatili lang loob kong kailanma'y di nanuluyan.

Sa kaniyang pagtangis ng tuwina

at pag-aalaga sa'kin sa umaga,

unti-unti ring nanlabot ang puso kong pihikan

na akala ko'y kailanma'y di na makakamtan.

Ngunit ako'y nahihiya

dina makatingin sa nag-gagandahan mong mata

diko kayang aminin na ika'y sinadyang saktan

ngunit ngayo'y napamahal sa'yo ng tuluyan.

Ako'y natatagalan sa pag-uwi

pagkat aking inaabot para sating dal'wang minimithi

ang minimithing tayong dalawa'y ikasal muli

at magsimula kasama 'ting darating na  mumunti.

Ngunit ika'y di na kumapit

Sa langit ka rin sumapit

Embis na sa bisig ko ika'y nangungulit

At yu' y kailanma'y di ko na maibabalik kahit ipilit.


Tadhana'y sadyang kay lupit,

kung kailan ako kumapit

saka mo rin niluwagan ang kapit mong sanang Kay higpit.




Tulang HandogStories to obsess over. Discover now