Gabing kaiganda, dahil
sa mga mysteryong umuukopa
mga gunitang hindi ko ma-i-obra
sa paglapat ng aking kaalaman sa'king pluma--Ngunit sa presensya nang aking kandila,
nagkaro'n ng lakas ng loob na maisulat sa--
Kuwadernong aking paborito,
ang aking saluobin sa paglipas nang ilang paninibugho.Sa paglapat ng aking pluma
sa mga pahina ay saka
naipaluob ang aking mga pangungusap,
kaginhawaa'y sa kalooba'y nalasap.Sa kalagitnaan ng dilim
na lahad ang matagal ng kinikimkim.
Dahil sa ilaw na bigay ng aking kandila,
naisulat ng aking pluma sa'king kuwaderno ang mga nakakubling talata.
YOU ARE READING
Tulang Handog
PoesíaA compilation of short tagalog or english poems about anything. P.S the poems are not related with each other. Not yet proofread