Mahal kong Miguel,
Kumusta ka na? Kumusta ang iyong mga umaga?
Ako'y naririto, naghahanap ng bagong pag-asa.
'Pagkat bawat dapithapon, ramdam ko ang pangungulila.
Sa' king pag-uwi, nangangapa ng iyong presensya.Sa t'wina, 'pag ako' y pipikit, dama ko ang simoy ng hangin na
dala pangalan mong naghahatid ng pait at saya.
Ngunit, sa anino ng puno, ako'y naghihintay, umaasa,
na sa mga alaala, iyong matatanto ang halaga.Ang halaga ng isang salita gaya ng minsang mga pangako,
na tila gintong araw n' minimithing makamtan ng aking puso.
Ngunit di maiwasang itanong, kung iyo pa bang naaalala,
o kung ang kasunduang ating binitawan, limot mo na.Sa ilalim ng bituin, ako'y nag-aabang,
na tila ito'y magbibigay sagot sa aking mga katanungan.
Sa bawat tinatahak, mga halakhak, mga luha,
Ipapatuloy pa ba, o lungkot ay lilisanin na?Mahal, bago maglaho ang pag-asa,
nawa'y iyong maparamdam na ako pa.
Nang aking malaman at di na bubuwag,
'pagkat, ang totoo' y ako'y naghahanap lamang ng liwanag.Nangungulila sa iyo,
Carmen
YOU ARE READING
Tulang Handog
PoetryA compilation of short tagalog or english poems about anything. P.S the poems are not related with each other. Not yet proofread