Ika- 22 Na Tula (Panaginip)

270 4 0
                                        

Bungad ng panaginip, ikaw ang siyang hiwaga.

Kwento ng estrangherong, lubos naman'g kilala.

Higit sa isa ang ating pagkikita,

higit sa isa ang halik na sa 'kiy pinatamasa.


Patak sa labi, tatak sa damdamin.

Sino ka? At ano ka sa akin?

Symbolo lang ba ng pagnanasa

o pananabik sa isang presensya?


O baka ikaw ay siyang lalaking mahal

na nakilala ilang dekada nang kay tagal?

O isang alaala na nagbabalik sa akin,

alaala na palihim kang dinadala sa akin?

Nang antok ay lumapat,

yaong presensya' y yumayakap

Bitbit mga sekreto,

mga kwentong nakatago.

Paulit-ulit na panaginip, dala'y mensahe.

Ginagabayan sa kaharian ng mga gawa-gawang imahe

na marahil sinasalamin tunay kong hangad.

Isang apoy na sa kaluoba'y nagliliyab.

Tulang HandogStories to obsess over. Discover now