Ika-Labimpitong Tula(Minsang Mahal)

327 1 0
                                    


Nag-aagawng dilim at liwanag
pumapalibot sa ating dalawa.
Ngunit kinang sa'yong mata ang pinakalamang
na kay tagal nawala dahil sa'kin, sinta.

Ilang taon nating binuo,
Pagmamahal para sa isa't isa na kay puro.
Ngunit mali ba ako?
Sa pagbitaw ko sa'yo?

Minsan ang paglayo ang dapat,
Kahit maaring para sayo hindi iyon sapat.
Ngunit ni minsan bang dumaan;
Dumaan sa'yong isip na ako'y iyo ring nasaktan?

Mga pangarap ko'y hindi para sakin lamang.
Nais kong purong pagmamahal iyong maramdaman,
Na handa kong ibigay kahit ano man.
Ngunit paano kung wala nang laman?

Wala nang maibigay sa'yong ano man.
Aking sinubukan na wag lumisan.
Pagkat kung gayon, ako ri'y masasaktan.
Ngunit tila'y ang sarili ko ri'y pinapakawalan.

Hindi na mahagip aking katauhan.
Sa kagustuhang manatili at ika'y mapangiti lamang.
Ngunit mali ba ako?
Sa pagpili sa sarili ko?

Ako'y humihingi ng pasensya,
hindi dahil iniwan kita.
Kung hindi sa pagdating ko sa'yong buhay,
ngunit lilisan at sakit lang pala ang iaalay.

Minsan ang paglayo ang dapat.
Kahit maaring para sayo hindi iyon sapat.
Pagkat maaring leksyon lang tayo sa isa't isa.
Para mas maging maalam sa pagdating ng ating tunay na kaisa.

Tulang HandogWhere stories live. Discover now