Ika-Labing Anim Na Tula (Siglo)

407 3 0
                                        

Di pa pwede ang tayo.
Iyon ang aking inisip sa nagdaang siglo.
Pagkat maaaring...
hindi pa tamang panahon kung dapat ituring.

Ilang ulit kong sinubukan
pagkat ilang ulit rin akong nahulog sayo nang lubusan.
Ilang ulit kong gustong ipilit
ngunit ang nakatadhana parin ang nakahihigit.

Kay sakit isipin
na patungo na sana tayo do'n kung tutuusin.
Ngunit kay pait
dahil ikaw ay nilayo sa'kin ng pilit.

Sa'kin ika'y nagdalawang isip, nag-alinlangan,
nagdamdam, kaya sa iba'y nagtiwala nang lubusan.
Lubos aking panghihinayang
kung sana lang sa'kin ika'y nagtiwala't di nag-alinlangan.

Pighati sa damdamin
sa t'wina pag ang "tayo" 'y bumisita sa'king piling.
Ilang ulit kong pinangarap na ika'y makasal sa'kin
ngunit sa huli palaging sa iba ka nanunuluyan ng mahimbing.

Ilang siglo ang nag daan,
ang "tayo" ay palaging muntik lang ngunit hindi tuluyan.
Ilang siglo mang paulit-ulit ipilit;
Makakapiling ka lang talaga sa'king panaginip.

Di pwede ang tayo
at yun ang dapat na itatak sa isip ko
pagkat wala talagang darating
at walang tamang panahon para sa'ting dalawa na sasalubongin.




Our Asymptotic Love Story by UndeniablyGorgeous Inspired theme

Tulang HandogStories to obsess over. Discover now