Ika-Labindalawang Tula (Paksa)

491 4 0
                                        

Lihim na manunulat.
Gaya nang mga lihim kong sulat
kung saan ang tayong dalawa
ang paboritong paksa.

Inilalarawan kita
bilang walang kapantay sa'king mga obra.
Inilalabas ang pagkailusyunada
pagkat miminsan sinasabing mahal mo'ko sa'king mga tula.

Ngunit batid ko rin
ang paglilimbag ng iyong mga sulatin.
Na kung saan,
sa iba'y iyong pinababatid yaong lihim mong pagtingin.

Nagtatanong sa tuwina;
Kung makakalimbag ba tayo nang ating nobela,
Mailalabas ba ang mga tinta sa aking pluma,
Mababasa na nga ba ang mga salita sa prologo ng ating istorya.

Kung Oo, nawa'y mangyari na
kasi kung hindi ako'y magsisimula na--
sa pagbaon ng aking tinta
sa kaibuturan ng puso kong ikaw ang nais makasama.

Tulang HandogStories to obsess over. Discover now