Noong nakita kita
Ang puso koy nabighani na
Sa taglay mong kagwapohan ako'y nawiwili talaga
Ngunit ganda ko'y binaliwa mo
At sa iba'y ika'y napaamo
Sinabi mo sa kaniya'y inlove ka
Kaya't sa iba'y ayaw mo na
Wala akong magawaKundi kalimutan ka,
Kalimutan ka ngunit paano ko gagawin gayung araw-araw kitang nakikita
Lalo na't sa klase ika'y laging nangunguna
Kaya ba't lahat nang tao'y pinapansin ka.Ngunit anong nangyari babaeng minahal mo'y inayawan ka,
Anong meron siyang nagawang paluhain ka,
Dapat bang kaawaan ka?
O dapat bang sisihin ka?
Minahal Mo ba siya
Dahil sa kaniyang ganda?
Bakit pangit ba yung ibang hinahangaan ka
Sabi ko sa sarili ko ayaw ko na sayo
Dahil talino at ganda ay wala ako
Wala kahit isang maipagmamalaki sa'yo
Lalo na't sa pera salat akoNgunit narinig kong sa akin ay nagkagusto ka
Bakit dahil ba don sa maganda ay inayawan ka?
O ang kabaitan ko'y nakita mo na
Alam mo bang kahit kaibigan sayo'y ayoko na?
At bakit kahit maging kaibigan ko'y gusto mo
Pangaral sa aki'y ginagawa mo
Kaya't minsa'y napapagkamalan kang nag nagseselos o ano? Ngunit bakit hindi Mo sabihin ang totoo?
Sabihin ang totoo na sa akin ay umiibig na ang puso moLumipas ang tatlong taon at tayo'y nasa
Ika-apat na taon sa High School
Hindi ko na maiwasang maging kaibigan ka
Dahil sa upuan ay ka tabi kapa
Problema sa leksyon ay solve ko na,
Solve ko na dahil isang taong ay bibigay kanaNang sinabi mong ako'y mahal mo
Sinabi kong mas mahal ang bigas
Dahil lahat sa atin ay biro-biro
At walang pinaniniwalaang kahit isang totoo
Kahit sa isip at puso umaasa'y yan ay totoo
Ngunit sa labi ay ayaw parin aminin ito
Siguro'y takot nang masaktan
At sa pag-aaral lahat ng oras ay inilalaan
Kaya kahit sa puso ay masarap pakinggan
Dahil nag-aaral salitang pagmamahal ay ayaw paniwalaan
Puso ay ayaw pakinggan,
Pangarap ay laging inaasamDahil bata pa at nag-aaral pa
Pag-ibig ay saka na muna
Pagnakapagtapos ay pwede na tayong dal'waPwede na,
Pwede na Sana pero dika nakapaghintay pa
Sumaya kana naman sa piling ng iba
At nakalimutan mo ang sa'ting dal'wa
Sating dal'wa?
Teka lang ano bang meron sa'ting dalawa
Oo nga pala
Wala naman pala diba?Binabalewala mo nalang ako
Siguro dahil pagod kana noh?
Pagod kanang suyuin ako
Pagod kanang hintayin ako
Pagod kanang magparinig na mahal ma akoPero okay lang,
Okay lang naiintindihan naman kita
Dapat gawin ko nalang ang dapat matagal ko nang ginawa
Ang kalimutan ka
At tanggapin nalang na masaya kana sa ibaKasi nga kabilang tayo sa pinagtagpo lang pero di tinadhana.
P. S. This was made when I was in High school.
![](https://img.wattpad.com/cover/280224513-288-k495433.jpg)
YOU ARE READING
Tulang Handog
PoetryA compilation of short tagalog or english poems about anything. P.S the poems are not related with each other. Not yet proofread