Nakita kita sa gitna ng umpukan,
Sa gitna ng pumpon, iyong tingin ang laman.
Isang saglit na tila walang katapusan,
isang apoy na hindi kayang pigilan.
Mga sayaw sa ilalim ng aranya,
mga patalastas sa ‘ting mga mata,
mga kamay na init ang dala-dala -–ang aking dahilan sa bawat paghinga.
Bawat gabi ay lumilipas
ngunit tamis ng titig wala paring kupas.
Bawat haplos ay tila walang wakas,
ang puso ko’y iyong hawak sa lahat ng oras.
Sa pag dagundong ng sigaw ng umaga,
ang susunod ay wala nang hunos na kaba.
Ang iyong ngiti’y unti-unting natutunaw,
mga anino ng takot ang nag-uumapaw.
Sa bawat kwento, ikaw ay hinahabol,
at bawat pagkakataon, pag-ibig sayo’y sumisibol.
Sa bawat pagpikit, ramdam ang iyong init,
ngunit sa bawat pagdilat, ika’y nagiging panaginip.
Tila tadhanang sayo'y laging nahuhulog,
ngunit langit tila’y lito, damdami’y dinudurog.
Sa bawat dulo ng saglit na yakapan,
laging nauuwi sa pagluha at paglisan.
YOU ARE READING
Tulang Handog
PoetryA compilation of short tagalog or english poems about anything. P.S the poems are not related with each other. Not yet proofread
