Sa aking pag-iisa,
kasalukuya'y sinasariwa
mga nagdaan sa pagsasama
Sa pagitan nating dal'wa.
Mahal, naalala ko pa
kung paano ang "tayo" 'y nagsimula,
di mapigil sariwain ang iyong mga salita,
kung pa'no mo sambitin na'ko'y di kayang mawala.
Mahal, hindi ko napigilang ibigay
ang puso kong sa'ki'y bumubuhay.
Mahal, sa'king hangaring damdami'y iparamdam
ibinigay ko sa'yo lahat lalo'ng pag-ibig na di napaparam.
Lahat ay aking sinubukang ihandog,
sa mga pabaon ko sayong itlog o hotdog,
na sinubukang ko nalang bawiin sa'king alindog.
Mahal, nawa'y maunawaan mo na
Hindi ko gawaing ipahayag ang sarili sa pamamagitan ng mga matatamis na salita.
Bagkus, sa pagsisilbi nalang pinapahiwatig,
sa'king mga pagtitig,
at lalo saking mga ngiting halatang ika'y iniibig.
Mahal, hindi katagalan
aking naramdaman
tila ika'y nanlamig.
At sa aki'y di na muling tumitig,
Wala na sa'yong mga mata
kislap sa bawat sulyap,
kahit init sa bawat yakap,
Pananabik sa'king mga talatang pinangungusap.
Tulala sa wala,
nagtatanong kung anong nagawa,
Kung bakit tila hindi kana maabot,
Tila tuloyan ng nilimot,
Pakiramdam ko'y iyo nang nilisan,
pagkat iyong pagdating umabot ng mga araw sa pagdaan.
Mahal, sa totoo'y ako'y may sakit,
pinapalipas ko nalang ang mga araw na kay sakit,
Tila ang kaniyang sakripisyo ay walang saysay
Pagkat ako rin nama'y mawawala't mamumuhay ka na ng matiwasay.
Sa ating mga nagdaan,
Aking napagtantong siya parin.
Siya parin ang laman ng 'yong puso't damdamin
Na kailanman o anuman aking mga gagawin
walang makakapantay sa kaniya; siya parin.
Hindi ko maiwasang iyon ang isipin
Pagkat di ka nanlamig sa kaniya kailanman
Naudlot lang ang inyong istorya pagkat binawi sya nga tuluyan
At ako'y dumating
naging bida-bida at ika'y inangkin.
Mahal, pasensya na sa lahat
Sa pagmamahal na di ko sinisiwalat
Sa mga pangungulit at pagdadamdam pag ako'y iyong sinisipat
Alam kong ika'y pagod na sa'kin at sa lahat, lahat.
Kaya ngayon sa pagtatapos ng aking puso sa pagtibok
Gayun din ang aking kapit sa'ting pagmamahal na naging alikabok.
YOU ARE READING
Tulang Handog
PuisiA compilation of short tagalog or english poems about anything. P.S the poems are not related with each other. Not yet proofread
