Ikatlong Tula (Pagsisisi)

1.1K 12 1
                                    

Ika'y naro'n no'ng wala ang lahat,
Ako'y sinamahan kahit mahirap,
Pinaramdam pagmamahal na tapat,
Kahit na Ako'y naging mailap,

Ako'y naging mailap sayo sinta,
Sa mga panahong nariyan kapa,
Pagkat puso ko'y nasa iba,
Sa iba, na una kong nakilala.

Ayoko sayo,
Iyan ang totoo,
Di magawang tumitig sa mata mo,
Pagkat aking naaalala kahapon kong kaipait,
Kaya pinaramdam sayo ang aking mga pasakit,

Kahit gayon Ako'y iyong sinamahan,
Pinagtatakpan aking mga kasalanan,
Pagkat ayaw mo'kong malagay sa kapahamakan,
Ngunit di ko yun pinahalagahan.

Ngayon, Ako'y nagsisisi
Aaminin ko ako ay nagkamali
Tanging taong nagmahal sakin
Tinaboy papalayo't iniwaksi.

Ngayon, ika'y nasa piling ng iba,
Nawa'y di na masaktan pa,
At nang maramdaman mo
Kaginhawaan sa piling niya.

Ngayon, puso ko'y na sayo,
Ngunit puso mo'y nasa kaniya,
Sana'y maging maligaya kana
At di na luluha pa...

Luluha gaya nong nasa piling kita,
Na di man lang napunasan luha
Sa mata mong nagmamakaawa,
Puso mong sumisigaw sakin
Na mahalin at bigyan pansin.

Lubos kong pinagsisihan
Mga nagawang kasalanan,
Sayo na dati akong sinisinta,
At ngayo'y pagmamay ari na ng iba.

Tulang HandogWhere stories live. Discover now