ARSENAL MILITARY ACADEMY

472 20 6
                                    

PROLOGUE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PROLOGUE

ISA akong babae na nagbalat kayong lalaki upang makapasok sa isang akademyang para lamang sa lalaki.
Hinahanap ko ang hustisya sa pagkamatay ng aking mahal na nakakatandang kapatid na sa palagay ko ay matatagpuan ko lamang sa loob ng akademyang iyon. Masakit sa akin na bigla na lamang syang namatay at hindi man lamang namin nakamit ang hustisya. Palagi ko siyang napapanaginipan at humihingi ng tulong sa akin. Binabangungot ako ng kaniyang pagkawala. Masakit iyon sa akin dahil lubos niya akong minahal bilang isa nyang nakakababatang kapatid. Kahit malayo siya sa amin ay hindi niya ako nakakaligtaan sa anumang sandali. Ipinagmamalaki niya ako at ipinagmamalaki ko siya. Para sa akin siya ang the best na kuya sa lahat. Ngunit sa pagkamatay niya ay malaking palaisipan sa akin kung bakit sarado agad ang kaso nya at parang ayaw kaming tulungan ng mga autoridad. Hindi ako mapalagay sa ginawa nilang imbestigasyon. Sa tingin ko, may taong nasa likod lahat ng pangyayaring iyon. Kaya't hindi ako makakapayag na ganoon na lamang ang mangyayari. Kaya't gagawin ko ang bagay na sa tingin ko ay makakatulong sa akin. Wala na akong ibang hangad kundi ang makamit ang hustisya para sa mahal kong kuya. Wala na akong balak pang mangialam sa anumang bagay sa Arsenal. Wala na akong ibang hihilingin. Wala akong ibang iintindihin at wala na akong ibig pa kundi ang hustisya.

Gabi na at nag-aabang ako ng bus na masasakyan papuntang probinsya ng lola ko. Naroon din ang lokasyon ng akademya. Ang Arsenal Military Academy na lingid sa kaalaman ng lahat na para lamang iyon sa mga lalaki. Sa palagay ko, ako pa lamang ang kauna-unahang babaeng makakapag-aral doon. Ako pa lamang ang babaeng makikipagsapalaran kasama ang mga matatapang na sundalo at mga lalaking binabatak sa mabibigat at mahihirap na gawain.

Alam kong hindi iyon madali. Alam kong mahihirapan din ako dahil hindi sanay ang aking katawan sa mga mahihirap na gawain. Wala akong kaalam-alam sa pagiging isang military. Gayunpaman ay wala na akong pakialam.

Ngunit maraming katanungan ang sumasagi sa aking isipan. Mga katanungan na masasagot lamang kapag nakatungtong na ako ng akademya. Hangang kailan kaya ako makakatagal doon? Ano ang magiging takbo ng buhay ko? Kakayanin ko kaya ang mga pasakit at paghihirap? Hangang saan aabutin ang pagbabalat kayong ginawa ko? Ano ang matutuklasan ko? Sino ang makakasangga at makakalaban ko? Makakamit ko kaya ang hustisya? O lalabas ako sa akademya na walang napala?

Gayunpaman, wala na tong atrasan. Handa na ako sa kapalaran ko sa loob ng Arsenal.

ARSENAL MILITARY ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon