NANDITO kami ngayon sa loob ng isang Classroom. Lecture Hall ang tawag dito. Sa labas ay may nakalagay na letrang Lecture Hall, Alpha. Kaming lahat ng mga Junior student ay nandito. Malaki naman to kaya kasyang kasya lahat. Kahoy ang upuan at kahoy na pahaba din ang lamesa. Sa ilalim non ay may mini cabinet kung saan nakalagay ang mga ballpen at papel.
" OK. I AM LUTENANT SARMIENTO, RAMON JR. AKO ANG ADMINISTRATOR NG ARSENAL ACADEMY. AND ARSENAL ACADEMY IS FOR ONLY MAN WHO WANT TO SERVE IN HIS COUNTRY. TANGGALIN NA SA KATAWAN NINYO ANG MGA CIVILIAN ACT. LAHAT KAYO AY MAGIGING MILITARY SOLDIER NG BANSA. I EXPECTED NA MAKAKALABAS KAYONG LAHAT NG MAY DISIPLINA, RESPETO, TALINO, TAPANG AT PAGMAMAHAL SA BAYAN! I HOPE NA----"
" SIR!!! "
Natigilan sya sa pagsasalita ng tumatas ng kamay si Javier. Nasa unahan ko lamang sya. Nakataas pa ang paa nya sa lamesa at nakakilik pa ang isang braso. Mayabang ang datingan.
" Yes? Javier?! "
" Matagal pa po ba kayo? "
" BAKIT!!? " mukang nainis sya sa balusubas ding ugali ng taong to.
" naiįhi na po ako! "
Naiihi o inaantok? Mukang inaantok pa to eh.
" MR. JAVIER. AVOID SOME BULGAR WORDS. KUNG MAGPAPAALAM KA NA IIHI O GAGAMIT NG PALIKURAN. USE THE WORD 'PERSONAL NECESSITIES' !! ALL OF YOU! UNDERSTAND??! "
" YES SIR! "
" Tang*na. Habang haba non. mas maigsi parin ang word na ihi. Daming alam! "
Bulong bulong pa si gagø ehh.
" anong sinasabi mo Javier?"
" SIR. PAPAIHIĮN MO AKO O IIHĮ AKO SA BUNGANGA MO! " medyo natatawa ang iba ngunit halatang pinipigilan.
" ABA'T. LOKØNG BATANG TO. SIGE. LUMAYAS KA NA BAKA MAB4RIL PA KITA DYAN!! "
Tssk. Iba din ang kahambogan ng gagøng yon.
CALVIN POV
Aytss. Yung matanda na talaga na yon. Kapag nakauwi talaga ako. Susunugin ko lahat ng pustiso nya. Bw*sit. Pinasok pasok ako dito. Hindi nya ba naisip na mahihirapan ang apo nya dito. Hindi nyaba naisip na ang gwapo nyang apo ay masusunog ang balat sa init ng araw. Ang magandang katawan ay mahihirapan. Ang mga cute kong abs ay mababatak. Tsk. Ano ba kasing trip nya at eneroll ako dito. Umagang umaga pinagtabuyan nya ako dito. P*ste.
" Oh Javier. Bakit nasa labas ka pa? Diba may klase kayo? " paki mo bang pandak na Bargas ka. Kinuha mo Gin ko kanina. Tsk. Yun na nga lang pasouviner kinainggitan mo pa.
" iihi lang ako sir"
" Bilisan mo at wag magpakalat kalat sa labas."
" Saan ka ba pupunta sir?! "
" Ah papunta na ako sa klase ko"
" Sir. Bilisan mo at wag magpakalat kalat sa labas SIR!! "
"Aba't loko tong ----tsk. tsk. "
Inismiran ko sya ng parang gusto nya ata akong hambalusin. Subukan nya lang kundi ihahagis ko sya sa oval.
Naglakad na ako papuntang dorm ko. Umatras ata ihi ko at timatamad na akong pumasok. Matutulog nalang ulit ako. Agang aga kasi nila mang gising. Alas kwatro palang inimpake na nila gamit ko at pinagtatapon sa labas. Kakapal din ng muka ng mga katulong namin sa bahay eh. Palibhasa mga sipsip don sa matandang hukluban. Kung andito sana sila mama at papa wala ako dito eh. Tsk.
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY
AcciónArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...
