CHAPTER 9

86 6 0
                                    

MICHAEL POV

" Welcome sir! "

Nandito ako ngayon sa bayan sa isang club. Tumakas ako syempre. Gabi na din. Kaya maraming chikababes dito haha.

" Sir. Anong maibibigay namin sayo? Baka gusto niyo ng mapupulutan ngayon. May bago kami. Wala pang nakakatikim. "

Total parang napagod ako ngayon. Sasagarin ko na pagod ko HAHAHAHA. Matagal tagal na din akong di nakakascore haha. Baka kumupas ang talent ko.

" Sige. Ibigay mo sakin yan! "

Binigyan ko na ng tip yung babaeng mukang maedad na din. Para namang nagkinang ang mata nya sa binigay kong tip. Tssk. Ako pa ba. Galante syempre to. Sumunod ako sa kanya at dinala nya ako sa isang private room. Nahiga na ako don at tamang maghihintay na lang.

" Huhuhu. Wag po. Maawa na po kayo sakin. Maam Rebeca"

" Pasok bilis. Naghihintay ang customer mo ehh! "

Pinapasok nila yung babae. Ngumiti pa sakin yung maedad na babae na Rebecca pala ang pangalan Saka sinara ang pinto.

Nagsuksok naman sa gilid tong babaeng to parang takot na takot pa. Tssk. Mamaya magugustuhan mo din ang gagawin ko sayo. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

" Wag po kayong lalapit. Parang awa niyo na po. "

" Mag-eenjoy tayo miss. "

" Ayuko po. Pinilit lang po nila ako. Kaya palabasin niyo na lang po ako! "

Nagtataka ako kung bakit di sya tumitingin sakin at nasa malayo ang tingin nya. Umupo ako para pumantay sa kanya. At iwinagayway ang kamay ko malapit sa mga mata nya.

Bulag ba sya?

" Bulag ka? "
" opo! Kaya maawa na po kayo sakin"

Tiningnan ko sya. Maganda sana sya kaso bulag lang. Bakit naman bulag pa ang binigay sakin ng matandang yon. Bw*sittt.

" Anong pangalan mo? "

" Mary po. Hindi ko po alam na ganito yung sinasabing trabaho ni ma'am Rebecca. Akala ko po magtitinda lamang ako. Niyaya nya lang po ako kanina don sa pwesto ko sa palengke"

Tumayo ako. Nakakabw*sit naman yung matandang yon. Naisahan ako non ahh. Fresh nga bulag naman. Ganito na ba kalakaran nila. Pati mga inosente. Tskk.

" Tumayo ka nga dyan! Umalis ka na."

Napipikon lamang ako. Lumapit muna ako sa kanya at nilagay ko sa bulsa ng damit nya yung pera ko. Tssk. Maglalakad nalang ako pauwi. P*ste.

Gabing gabi na at inayos ko na yung blocks ng pader na tinipak ko dito sa likod ng academy. Dito ako lumulusot kapag tumatakas ako. Pabalik na ako ng mapansin kong may mga armadong lalaki na malapit sa gubat pero may tatlong lalaki na nakapants ng comoplague. Nagtago muna ako. Yung isang nakauniporme nakagapos at natatakpan ng sako ang ulo nya. Mukang kinakaladkad sya papuntang gubat nong mga tatlong lalaking di taga dito. Mukang outsider sila. Di ko makita ang muka nong dalawang nakacomoplague dahil nakatalikod sila. Mukang sila yung naguutos don sa tatlo. Sino yon at anong gagawin nila don sa bihag nila? Ayaw ko na lamang mangialam kaya't umakyat na din ako sa taas.

ALEXA POV

Buti na lang at dumating si sir Sarmiento sa hall kanina. Kaya't nakalabas ako. Naabutan kong tulog na si Javier at may yakap yakap na halamang nakapaso pa. Tssk. Sari sari na lamang nalalaman nito. Kinuha ko yung halaman. Baka kasi mangalat pa sa higaan nya. Nilagay ko yung sa table namin. Cute nong sunflower. Kaya hinawakan ko muna to. Naligo na ako at natulog.

ARSENAL MILITARY ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon