CHAPTER 13

146 7 0
                                        

" Isa akong babae"

Napalaki ang mga mata nila Kris, James, Taner at Michael. At parang napaiwas silang apat sakin. Tssk.

" ALAM KO YON! ALAM KO YON!!"

" P*ste! Ka ingay ingay mo na naman dyan gagø! "

" Hahahaha. Eh ikaw van. Di mo alam no hahaha"

Isip bata na naman tong gagøng to.

" Alam ko"

Napatingin naman ako kay Van. Alam nya. Bakit di manlang nagsasabi.

"Bakit di ka nagsasabi"
" Ahehehe. Eh alam ko kasi kung bakit nandito ka din."

Kilala nya talaga ang kuya ko!

" oo kilala ko kuya mo"

Parang nabasa nya pa ang nasa isip ko.

" sinong kuya? " si kris.

" kuya ko si Aldrin Vega"

" Si Vega? Yung juniors student na namatay dito? Kuya mo pala yon?" si Taner

" Ay hindi. Hindi. Paulit ulit? "

" Bwisittt ka talaga Javier! "

" Narito ako para malaman ang pagkamatay ng kuya ko. Hindi ako naniniwala na namatay sya sa isang giyera na operation daw nila dahil gabi gabi akong binabangungot na humihingi sya ng tulong sakin. At tama si kuya Tristan. Mukang hindi ko kakayanin ng mag-isa yon."

" Tutulungan ka namin Alex. "

Napatingin ako kay James. Ngumiti ako sa kanya bilang pasasalamat.

" May sinabi sakin si sir Bargas noong nakaraang linggo"

Nasentro ang atensyon ng lahat kay Javier.

"Ano daw? " si Taner

"Natatandaan niyo pa ba nong pinatawag nya tayo sa office nya at kinausap tungkol sa operasyon. At pinaiwan nya ako non at pinaglinis. Ang totoo nyan may binilin sya sa akin. Sa operasyon bantayan ko daw kayong lahat lalo na si Mendez "

Bakit ako? Alam ba ni sir Bargas ang tungkol sa akin.

" Alam ni sir na babae ka alex. Ang totoo nyan alam ko na talaga ang pangalan mo. Ang kyut pala hahaha pero mas gustonparin kitang tawaging babygirl hahahaha"

Napatingin naman ako sa kanya ng masama. Kahit kelan talaga tong bw*sit na to.

" Si sir Sarmiento dw ay walang tiwala kay Colonel Catamco at Lutenant General Garcia. Kaya gabi gabi ay nagroronda si sir Sarmiento sa mga building ng Juniors at Señiors. Hindi ito natutulog. Ginawa nya yun matapos ng pagkamatay ni Vega. Kaya kung napapansin niyo ay laging natutulog si sir sa lecture nya. "

" Oo nga no. Naalala ko pa non na nagkakagulo na tayo tapos sabi nya wag daw maingay dahil natutulog sya. Tsk. Iba din si sir Sarmiento " si Taner

" Walang alam si sir Bargas kung ano ang nangyari noon kay Vega. Tanging si Sir Sarmiento lang ang nakakaalam. Sinusubukan ni sir na hanapin si sir Sarmiento sa gubat pero di nya ito makita. Kaya nalang pumayag sya na sumama tayo sa operasyon at sa pagbabalik natin, kahit isa man lamang sa atin ay may malaman na syang impormasyon"

" Bakit naman ganon. Kahit isa sa atin? Pakiramdaman ko pinapain naman tayo ni sir. Na ginagamit nya tayo? " pagrereklamo na naman ni Michael.

" hindi nya tayo pinapain!"

Mukang si Van naman ang magkukwento ah.

" Nong gabing lumabas ako. Kumuha ako ng kutsilyo at bumili ako ng gwantes-----"

ARSENAL MILITARY ACADEMY Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon