Natawagan na ni Van ang parents ni Michael at narito na din ang nanay ni Mary.
" Kaninong mata ang binigay sakin ni Michael? Andyan ba sya? Michael?! Michael?!!!! Bakit mo naman ginawa to?!!"
Gising na sya. Nakahiga at nakabenda parin ang mata nya. Kinapa kapa nya kung nasaan si Michael. Nakatayo lamang kaming pinapanood siya.
" Anak. Pahinga ka muna" yung nanay nya.
" Eh si Michael nay. Sabi nila andito daw si Michael pero di ko naman naririnig ang boses nya kanina pa. Sabi nila humiga lang daw ako tapos nakatulog na ako. Ano bang ginawa nila sakin nay. Pakiramdam ko may nawala sakin at ang sakit ng dibdib ko. Parang nung namatay si tatay nay. Gayon yung pakiramdam. "
" Pahinga ka nalang muna Mary. At malay mo pagmulat mo makita mo na si Michael. " si Kris
" Sige. Ang sakit din kasi ng dibdib ko. Ipapahinga ko muna to. Sabihin niyo kay Michael. Alam ko na yung letter na isinulat nya sakin. Gusto ko din sya kaso nahihiya ako sa kanya.. Alex ikaw nalang magsabi ah"
" o-oo"
Hindi namin masabi kay Mary ang totoo. Walang balak ang lahat na sabihing wala na si Michael. Paggumaling na sya saka nya din malalaman ang lahat. Huwag ka munang mag-aalala Mary. Makikita mo din si Michael. Pag iminulat ng mga mata mo.
" MGA PAREEEEE. CALVIN. ANDYAN ANG MGA TAO NI GONZALES. HINAHANAP TAYO!! "
Hinahapo pa si James na tumatakbo papalapit samin. Nagsilip kami sa labas at tama si long hair yon.
"umalis na tayo dito! " si Van.
" Paano si Michael!. Yung katawan nya? " si Taner
" Dadating din dito parents nya. Kaya may kukuha na din sa kanya. Bilisan niyo!! "
Pinagkukuha na namin ang mga gamit namin at sinuot ko na ulit damit ko. Dadaan kami sa likod.
" AYON SILAAAA TUMATAKAS!! "
Nakita kami nong kalbo. Nagkagulo ang mga tao ng magtakbuhan kami.
Pinapuputukan din nila kami. Kayat panay lang ang ilag namin at tago. Hinawakan ni Javier ang kamay ko at sabay kaming tumakbo. Sumasagot ng baril si Van at James.
*BANG*BANG*BANG*BANG*
"ARGGHHHHH!! "
"VAN!! "
"Ayos lang kaya ko to! "
Napatingin ako at natamaan sa balikat si Van. Malapit na kami sa pinto ng nakakandado ito. P*steee.
Sinisipa sipa namin ni Javier pero di mabuksan. P*ste
*bang*
Binaril ko ang lock nong pinto natanggal naman sya. Kaya nagtakbuhan ulit kami palabas.
" Kunin niyo yung Truck Alex!! " si James.
Umikot kami at pupunta sana sa harapan ng makita namin andon sa truck yung ibang mga tao ni Gonzales. Kaya't bumalik kami.
Ang dami ng humahabol samin. Nahihirapan si Van sa pagtakbo dahil iniinda niya yung balang bumaon sa balikat nya. Kaya inaalalayan lang sya ni James.
* BANG*BANG*BANG*
*BANG*BANG*BANG*Panay lang ang ilag namin at takbo. Kailangan naming matakasan sila.
" May nakaharang Javier! " napatingin kami sa tinuturo ni Kris.
May malaking bakod na nakaharang sa dadaanan namin. Mukang matatrap kami. Wala kaming mapupuntahan.
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY
AcciónArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...