CHAPTER 3

119 5 0
                                    

GABI na. Nakasulyap ako sa baba mula dito sa itaas kung saan nasa likod ko ang dorm namin.

" Hi Alex. Musta? " napatingin ako sa nagsalita.

" Oh hi. Van? " nag-aalangan ako kasi hindi ko pa gaanon kabisado ang mga pangalan nila.

"Oo. Van Lim haha. Wala pa kasi si James nakalock yung pinto ng room namin nasa kanya yung susi!"

" Ahhh! "

Nakita kong may dala syang tuwalya at basa pa ang buhok nya. Bagong ligo ata.

Nagpapahuli naman ako maligo. Hihintayin kong matapos muna silang lahat sa paggamit ng c. r saka ako liligo.

"why did you end up here? Mendez? "

Napatingin ako sa kanya.

" wala. Gusto ko lang pumasok sa military. "

Pero gusto ko talagang hanapin ang pumatay sa kuya ko.

" ahh. Ako kasi sinunod ko lang gusto ng mga daddy ko. He's a soldier too. Kaya pinasok nya ako dito "

" AHEMMMMM. .. Hoy pav*rgin! Gabi na di ka pa naliligo! Ang baho mo! "

Pakialam ba nitong gagøng to. Bigla nalang sumusulpot. Tss.

" buti ako fresh na. Gwapo pa. Tsk"

" Mamatay na ang nagtanong! "

Nakita kong napatawa si Van at saka ako pumasok sa kwarto at kumuha ng damit at towel.

Naliligo na ako ngayon ng may bigla akong narinig na nagkukwentuhan papunta sa c. r.

" HAHAHAHA mamaya tol. Bababa yun si Javier. Abangan natin. Tatakas yun mamaya eh. Hahaha. Don natin upakan! "

Sila Hernandez yon.

" Sige Michael . Isama mo yung tropa mo sa Señior, yung sila Hake. Balita ko grupo nila Hake ang kinakatakutan sa Señior eh. Kasi may binugbog daw yung grupo nila nong Junior sila. At sabi namatay daw yun. Ewan ko lang din haha"

Nagmadali na ako sa pagligo at nagbihis. Tskk. Mahirap palang makipagsabayan sa mga lalaki.

" Oyyyy Mendez. Andito ka pa pala haha! "

" Oo. Paalis na rin ako. Sige! Michael. Taner!"

" Sandali Alex Mendez! "

Napatigil ako sa paglalakad ng tawagin ulit ako ni Michael. Kahit nakatalikod ako nararamdaman kong sinisipat sipat nya ang katawan ko.

" Ang sexy mo naman?"
"Hoy Pare. Baka nababakla ka na kay Alex ah haha! "

"SIRAULØ!! "

" Ah sige alis na ako.! " ayaw ko na lang silang pansinin.

Paalis na ako ng hilahin ni Michael ang kamay ko. Ano ba kasi kailangan nila? P*ste naman oh.

" Alam mo mahilig ako sa babae eh. Kaya alam ko ang mga kurbada ng katawan nila. Babae ka ba? "

Napalunok laway ako sa tanong nyang yon at kinabahan na naman ako.

ARSENAL MILITARY ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon