" HOLDDD UP TO!!! AKIN NA LAHAT NG MGA GAMIT NIYO!! "
Nanatili akong kalmado sa pagkakaupo. Nagaganap ang isang holdupan sa loob ng bus na sinasakyan ko. Umalis ako sa bahay dahil may misyon akong dapat tapusin. Iyon ay ang ALAMIN KUNG SINO ANG PUMATAY SA KUYA KO.
"Hoy Miss akin na yang bag mo."
Kinuha ng lalaking sanggano na to ang bag ko. Kinalkal nya ang laman. Tss. Talamak na talaga ang mga krimeng katulad nito.
" ASAN ANG PERA MO? WALA KANG PERA? "
" may nakita ka ba? "
" Wala! "
" Ede wala!! "Bumaba na ang lahat sa bus ng umalis na ang mga holduper. Maliban lang sakin at sa drayber. Tinatamad pa akong tumayo eh.
"huhuhuhu. Malalagot na naman ako nito sa kompanya. Pang sampung beses ng nahoholdup ang bus ko huhuhu. Wala pang kita. P*esteng yawa!! "
Nagdadabog na yung manong driver. Halos mangiyak ngiyak na sya. Parang batang kinuhaan ng peso. Tsk. Tumayo na ako at lumapit sa kaniya. Marami din ang nag iiyakang pasahero dahil nawalan ng pera at gamit. Tinaas ko ang paa ko at may dinukot sa rubber shoes ko.
" Manong oh. bayad ko! "
Iniabot ko ang pera na pamasahe ko. Saka bumaba. Nagtaka pa syang sumunod ng tingin sa akin.
" Thanks iha! "
Nakita ko yung babaeng may kargang anak na walang tigil sa kakaiyak. Lumapit ako sa sanggol at pinasakan ko ang bibig ng baon kong Lollipop .
" Maglalakad nalang siguro ako.tsk!"
Sa kakalakad ko. Naputikan na ang rubber shoes ko. Anak naman ng p*tcha. Ayuko sa lahat napuputikan o nadudumihan ang sapatos ko eh. Bakit kasi maputik dito.
Hinubad ko to at inilabas ang baon kong tsinelas.
" Hoyy miss. Saan ang punta mo? !" yung lalaking nagdadrive ng tricycle.
"Dyan lang! "
" Saang dyan? "
" dyan! "
" saan ngang dyan? "
" Maki Dyan ka nalang!! "Kumamot pa sya sa ulo at nagpatakbo ng mabilis. Tss. Di man lang nangyaya na sumakay ako. Nakichismis lang ang pøwta.
Nakarating na din ako sa bahay ng Lola ko. Nagwawalis sya sa labas. Probinsyang Probinsya talaga to.
" Zupp la! "
" Zupp apo! Oh bakit putikan ka? "
" Sementado kasi daan eh! "Kumamot nalang sa ulo si lola. Halatang ubanin na to. Dapat kasi nagpapakalbo nalang sya.
" Oh apo. Seryoso ka ba dyan sa papasukin mo? Puro lalaki doon sa Arsenal Academy baka naman ay paglabas mo don buntis ka na. Abaaa. Kaya kita kinonsente diyan sa kagustuhan mo dahil nagpumilit ka at gusto ko din malaman ang tunay na naganap kay kuya Aldrin mo"
Ingay ingay ni lola. Ilang beses na syang nagpapaalala sa akin. Sakit na sa tenga. Ganito ba talaga ang mga matatanda?
" La. Ubos na uban mo. Upa ko? "
Binunutan ko kasi sya ng uban. Kung tutuusin kapag binunot lahat ng ubang nya ay panot sya.
" Kala ko makakalimutan mo. Tskk. Basta ikaww. Nakuu. Puro lalaki doon. Alam na alam ko ang mga kalokohan ng mga kabataan ngayon. Papunta ka palang pabalik na ako. "
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY
AksiArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...