CHAPTER 14

87 6 0
                                    

Umakyat na kami sa dorm namin tsaka binasa Van yung letter ni sir. 

" DELTA COMPANY! NARARAMDAMAN KONG PAPATALSIKIN AKO SA ACADEMY. KAYA'T NAIS KONG ITULOY NIYO PARIN ANG MISYON NIYO! ALAMIN NIYO ANG KALAKARANG GINAGAWA NG MGA NAMAMAHALA SA PAARALANG ITO.  LALO NA SI SIR LUTENANT GENERAL GARCIA. VAN.  KINUHA KO ANG BOTE NG LASON DAHIL ALAM KONG IKAW ANG ITUTURO SA PAGKAMATAY NI SIR CATAMCO. DAHIL MAY NAKAKITA SAYO NONG ORAS NA YON.  SI GARCIA.... JAVIER.  IKAW NA BATANG PASAWAY KA.  INAASAHAN KONG PANGANGALAGAAN MO ANG KASAMAHAN MO SA GAGAWIN NIYONG OPERASYON.  MENDEZ.  UNA PALANG AY ALAM KONG IKAW ANG KAPATID NI ALDRIN VEGA DAHIL ANG MGA DUCOMENTONG PINASA MO PARA MAKAPASOK SA ACADEMY AY NALAMAN KONG PEKE KAYA NAGIMBESTIGA AKO SAYO AT NALAMAN KONG BABAE KA.  HINAYAN KO DAHIL TIYAK KO ANG PAKAY MO DITO.  AGUSTIN,  HERNANDEZ,  SANCHEZ AT DELACRUZ. INAASAHAN KO ANG PAKIKIISA NIYO SA LAHAT NG GAGAWING HAKBANG NG PLATOON NIYO.  SANA MAGTAGUMPAY KAYO AT MAIAYOS ANG KALAKARAN SA AKADEMYANG ITO.  MENDEZ.  MAKUHA MO SANA ANG HUSTISYA PARA SA KUYA MO.
MAGTAGUMPAY SANA KAYO. HANGAD KO ANG KALIGTASAN NIYONG LAHAT.
SIR BARGAS"

" Wala na si sir.  Ano ng balak niyo?" si Kris.

" Tulad ng sabi ni sir.  Sasama parin tayo. Don lang natin malalaman kung ano nga ba ang ginagawa ni sir Garcia sa mga pinapadala nya sa operasyon na yon! At kung bakit namatay si Vega? " si Van

" Isang linggo nalang magtatapos na ang buwang ito. Pakiramdam ko isang linggo nalang ang buhay ko. tsk" si Michael .

" hoyyyy. Wag ka nga magsalita ng ganyan!! Masama yan! "

" Kinakabahan kasi ako sa operasyon na yan James.  Iba ag timpla sakin eh."

Tama si Michael kahit sakin ay iba din ang dating.  Kinakabahan ako.  Parang may mali. 

" Hooyyyyy umuwi na kayooooo. Alis na.  Alisssss!! "

Pinagtataboy naman ni gagø sila James. Napakasama talaga ng ugali.

" Asus.  Maglalabing labing lang kayo ehhh.  Hahahaha. Kinilig ako sa kanta mo pareee!! "

" Bw*sit ka kriss. !!"

Nakalabas na din silang lahat. Kaya't bumaling na sakin tong isa.

" Hi babygirl.  Wanna make labing labing! "

" IN*MO. TABI DYAN MATUTULOG NA AKO!! "

" DI KA BA KINILIG KANINA? "

"hindi"

" kahit konti? "

"hindi! "

" kahit kalahati? "

" di"

" kahit wanhap? "

" hindi nga sabi!!! "

" kahit konti talaga?"

P*steee ang kulitttttt nyaa. 

" OO NA. OO NAAA!!"

PAPASOK na kami sa lecture room. Mukang abala na naman sila sa pagchichismisan.  Mga kalalaking tao tong mga to hilig sa chismis. Ibang klase.

" Oyyy alex!  Nakita mo na ba yung mga pader? " si James

Di ko naman kasi pinapansin.

" Bakit? "

"Tingnan mo kasi sa labas! "

Lumabas ulit ako at tinanaw ko ang mga nagtataasang pader ng Arsenal.  Bakit nilagyan nila ng mga alambre sa itaas. Pinalibutan nila talaga ahh.. Kinamang lalaki nong mga alambre.  Tsk.  Ibang klase din dito eh.

" Grabeee sinisigurado talaga nila na wala ng makakalabas ng Arsenal.  Tapos tingnan mo din yung mga gwardiya sa gate. Mga Scout Ranger yan. Kakatakot. Lima na talaga.  Tapos yung gate may alambre din.  Ano ba ang gagawin nila sa atin?  Para tayong preso dito ahhhh!! "

ARSENAL MILITARY ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon