NASILAW ako sa tumagos na liwanag nong bintana. Kaya't pumikit ulit ako. Masakit pa kasi ulo ko. Mukang may hangover pa. Pumihit ako sa kabilang side ng kama.. Nakakasilaw kasi. Tsk.
Inunat ko ang kamay ko. Nasanay kasi akong may niyayapos pag natutulog. Tch. Ano ba tong matigas na nayakap ko? Napakunot ang noo ko dahil iisa lang naman ang unan dito kaya't minulat ko mata ko
" ANAKKKK NGGG... "
Napabalikwas ako ng makita kong humahagok pa tong si Javier sa tabi ko.
*boogshh*
"ARAYYYY!! BAKIT MO KO SINAPAAAA??! "
"BAKIT NANDITO KA?!!! ANONG GINAWA MO??! "
Nakita kong nakabukas botones ng uniform ko. F*ckk. Kinamot nya na naman pw*t nya.
" BUKAS ANG PINTO KAYA PUMASOK AKO AT NATULOGGGG!! "
" EHH BAKIT TAYO MAGKATABI?"
"BINABANGUNGOT KA KAGABI KAYA TINABIHAN KITA!! BAKIT BA PAV*RGIN KAAAAA!! "
'mukang nagaaway na naman yung si Javier at Mendez'
' nakabalik na pala si Javier '
' akala ko drop out na sya'
'akala ko din'Narinig kong bulung bulungan sa labas.
"AKALA KO BA UMALIS KA NA. BAKIT BUMALIK KA PA? "
" Bakit Namiss mo ba ako? "
" Nu ka gold? "
Inayos ko na damit ko at pumunta na ng kusina.
" Namiss mo ata ako tanggi ka pa!"
" Saan ka ba humuhugot ng kapal ng muka? "
" Sayo. Hahaha! "
Bw*sit nandito na naman tong gagø na to. Gugulo na naman mundo ko.
" Anong ginawa mo nong wala ako hah? Sinong kasama mo dito? Sinong katabi mo? Bakit nawala ka non? Bakit naghiwalay ka sa akin? "
" Bakit ba ang dami mong tanong?!!"
" Matagal akong nawala kaya naipon!"
Tsskk. Heto na naman sya ang kulit na naman nya. Peste.
" Nagkakasama kayo ni Lim no? "
" paki mo! "
" diba sabi ko wag kang magsama don. Layuan mo yon! "
" nu ka batas? "
" Di mo ba ako inisip? "
" hindi! "
" eh namiss? "
"hindi"
" Nasabik? "
" hindi"
" kahit sa bangungot di mo ko inisip? "
" hindi"
" BAKIT DI MO AKO INIISIP ALAM MO BANG NAG-AALALA AKO SAYO!! PERO YUNG MATANDANG GURANG NA YON DI AKO PAALISIN SA BAHAY. ALAM MO BANG TUMAKAS LANG AKO SA AMIN PARA MALAMAN KUNG BUHAY KA PA!!!"Napatigil ako sa pagpunas ng muka at napatingin ako sa kanya.
" Bakla ka ba? "
Napatigil naman sya sa tanong ko na yon. Nito kasing mga nakaraang araw. Pakiramdam ko may nararamdaman sya para sa akin. Di naman kasi ako manhid. Alam ko yun. Pero iba ang sadya ko dito. Hindi sya. Hindi kung sino pa man. Kundi ang pagkamatay ng kuya ko. Lalabas na sana ako ng magsalita ulit sya.
" siguro. Nababakla na ako sayo"
Napatigil ako sa sinabi nya pero ayaw ko na lamang pansinin yon. Nahihibang lang sya.
Lumabas na ako at iniwan sya don. Kailangan ko pang maligo kaya't nagtungo na ako ng c. r.
" Oyy Mendez. Abot sa dorm namin ang sigawan niyo ni Javier ah. Bumalik pala sya! "
![](https://img.wattpad.com/cover/280268635-288-k324136.jpg)
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY
AcciónArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...