ALEX POV
Napahiga ako sa pagkakatulak samin ni Michael.
"TANG*NAAA HERNANDEZZZZ!!!"
*BANG *BANG*BANG*BANG*
Agad akong napalingon sa sigaw ni Taner at ng makita kong nakatayo pala yung isa sa tatlong lalaking binaril ni Javier at pinaputukan kami. Sinalo lahat ni Michael ang balang sa amin dapat tatama. Nagulat ako at bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba.
*BANG*
Senentro ni Van sa ulo ang pagkakabaril don sa lalaki kaya bumulagta ito. At mukang bumalik yung tatlo kaninang tumakbo at naging lima na sila. Paparating na sila. Nakatayo lamang si Michael na nakaharap samin at yumukong tiningnan ang tama nya sa katawan.
" TANG*NAAAA PAREEEEEE!!"
Nagkakawala sa pagkakayapos ni Kris si Taner. Gusto nyang pumunta kay Michael kaso paparating na ang mga sindikato.
" BITAWANNN MO AKOO KRISSS. KUKUNIN KO SI MICHAELLL!! BITAWWWW SABIIIIII"
" ANDYAN NA SILA PARE. BAKA MAPAHAMAK KAAA!! "
" MICHAEL PAREEEEE. "
"a-a-alis na ka-kayo"
Mahinang sabi nya samin. Parang may bumara sa lalamunan ko.
*BANG*BANG*BANG*BANG*BANG*
Napatago kaming lahat sa mga puno ng pagbabarilin na naman nila kami. Si Michael..
" PIKON NA PIKONNN NAAA AKKKOOOOOO MGA P*TAAA KAYOO!!" nangagalaiting sigaw ni Javier.
Lumabas si Javier at pinagbabaril yung limang pinuputukan kami. Kaya lumabas na din ako sa punong pinagtataguan ko at sinagot ko nang bala ang mga bala din nila.
Kita kong nanggigil na si Javier kaya napatay niya yung dalawa at natamaan namin nila James yung iba. Kaya't nag-atrasan ulit sila. Tumakbo na si Taner kay Michael kaya lumapit na din kami. Nakatayo parin ito kumalat na sa bibig nya ang sinuka nyang dugo. F*ck.
*BOGGSHHH*
Nang makalapit si Taner saka lamang bumagsak ang katawan ni Michael. Para itong lantang gulay na bumagsak. Agad syang sinapo ni Taner.
" Mi-Michael Pare. Lumaban kaaaa. Pa-pare! "
"Ta-taner. A-ayos lang"
" Michael lumaban ka. Idadala ka namin sa ospital!" si Van
Napaupo kaming lahat. Walang umiimik. Ang bigat sa dibdib. Parang may nakabara sa lalamunan kong makitang tadtad ng bala ang katawan ni Michael. Naramdaman kong tumulo na naman ang luha ko kaya't naramdaman kong kinuha ni Javier ang ulo ko at pinaiyak niya nya ako sa likod nya. Akala ko kapatid lang o kapamilya mo lang ang masakit kapag nawala sila. Pati din pala yung taong di mo kadugo ay masakit na makitang nasa panganib ang buhay nya.
" Si-si Mary! I-ibigay niyo ang ma-mata ko kay---Mary "
Nakasakay na kami sa Truck at nagmamaneho na si Van papuntang hospital. Binibilisan nya na rin ang pagmamaneho na para bang hindi lubak ang daan.
" Ja-javier"
Napakapit naman si Javier kay Michael na nakahiga sa kabilang upuan at inaalalayan.
" Ha-h-hanapin niyo si Ma-mary. I-ibigay niyo ---sa kanya ang ma---mata ko. "
Hindi umimik si Javier nakita ko ang pagaalinlangan nya. Alam kong mahirap magdesisyon dahil maaring tuluyang mamatay si Michael sa sinabi nyang yon.
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY
ActionArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...
