CHAPTER 19

86 7 0
                                    

Napahiga ako ng may bumaril na naman sa likod ko. Ang sakit. Naramdaman ko ang init ng bala. Nanghihina na ako. Nakadalawa na akong tama sa likod. P*steeee.

Napalingon ako..yung tauhan ni Gonzales na kalbo. Bw*sit.

*ubo*

Sa pagubo ko kumalat sa bunganga ko ang sinuka kong dugo.

*BANGGG*

Sinakto ko sa noo nong kalbong to ang bala ko para mapunta na sya sa empy*rno. Bw*sit sya.

Naramdaman ko ang paglapit sakin ni Gonzales.

" Ngayon ikaw naman ang magmamakaawa sa akin Mendez. Puny*ta kayong magkapatid kayo. Mga pakialamero ata ang lahi niyo.. !!"

"hindi ako magmamakaawa sayo Gonzales kahit patayin mo pa ako! "

" Matigas kang babae ka. Kaya Una palang ay alam ko ng may kakaiba sayo. At tama nga. Ikaw ang kapatid ni Vega! Tama pala yung narinig kong pag-uusap niyo ni Tristan Rivera. Kung di natuluyan ang kuya mo ..ngayon tutuluyan kita. "

Kinasa nya na ang baril nya.

" SUBUKAN MO GONZALES!! UUBUSIN KO SAYO ANG LAMAN NG BALANG TO!! ! " dumating si Javier.

Agad akong dinakot ni Gonzales, tinutukan ng baril at humarap kami kila Javier. Nakatutok sila ng baril kay Gonzales.

" SUBUKAN NIYO. PAPATAYIN KO SI MENDEZZZ!! SUBUKAN MO JAVIER!! SASABOG ANG BAHO NG ULO NG BABAENG TO!! BABA ANG BARIL!! "

" Patayin niyo na siya Javier!! "

" Ayuko. Baka tuluyan ka nyan babygirl eh"

P*stee talaga tooo

"Ibababa niyoooo!! "

Binaba nman nila ang mga baril nila saka naglakad si Gonzales at kinaladkad ako pababa. Nakatutok parin ang baril nya sakin.

Nakita kong andon si kuya at sila sir Bargas. Nakikipagbarilan pa din sila. Siniko ko si Gonzales kaya't nabitawan nya ang baril nya. Ngunit mabilis nyang kinuha sa uniporme nya yung Granada at tinanggal ang pin non. Saka ulit ako sinakal.

Nahihirapan akong huminga sa pagkakasal nya sakin. Talagang nililingkisan nya ako ng mahigpit gamit ang mga braso nya.

" SUBUKAN NIYONG MAGKAMALI NG KILOS. SAMA SAMA TAYONG SASAMBULAT ANG KALULUWA DITO!! "

Napatigil sa paghakbang papalapit sila Javier.

" GANYAN KA NA BA TALAGA KASAMA GONZALES. PATI MGA BATA PINAPATAY MO ALANG ALANG SA KAGAHAMAN MO SA PERA AT DRØGA!! "

" WALA KANG PAKIALAM BARGAS!! KUNG TUMULAD LANG KAYO SAKIN AT SINUNOD NIYO AKO AT DI NIYO AKO KINAKALABAN, HINDI TAYO AABOT SA GANITO. ALAM NIYO BANG TINANIMAN KO NG BOMBA TONG HALL NA TO KAYA DITO AKO PUMUNTA!! KAYA MAGSAMA SAMA NA TAYO SA EMPY*RNOOOO!! "

Nakita ko sa gilid ng mata ko nasa likod namin si James at sensenyasan sya ni Javier at Van. Mukang hindi ito napapansin ni Gonzales.

"ITIGIL MO NA TO GONZALESSSS!! " si sir Sarmiento

" SARMIENTO, BARGAS AT GARCIA. P*STENG GARCIA NA YONNNNN.! SINABI KO NA SA KANYA NA WAG ANG DELTA COMPANY ANG ISAMA SA OPERATION PERO SILA PARIN ANG PINILI NIYAAAA!! !! ALAM KONG NAKARATING NA SA GENERAL ANG GINAWA KO. KAYA SAMA SAMA NA TAYONG MAMATAY DITO!! "

" MAARI KA NAMING TULUNGAN KAPITAN!! SUMUKO KA AT TUTULUNGAN KA NAMING MAKALAYA. AT MAGING MABUTING SUNDALO!!"

Halatang nililibang lang sya nila sir Bargas at Sarmiento.

ARSENAL MILITARY ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon