Chapter Sixteen

89 4 2
                                        

UNTI-UNTING binuksan ni Luigie ang mga mata niya. But everything was dark. She can't see anything. Hindi niya maintindihan kung bakit wala siyang maaninag?

"Anak..."

"D-Daad..." It was her father. Alam niya dahil kilala niya ang boses nito. Inikot niya ang tingin sa kung saan-saan pero wala talaga siyang maaninag. Kumurap-kurap pa siya. Her heart pounded with fear. "I-I can't see..."

"Luigie..."

Bigla ay nakaramdam siya ng ibayong frustration. What the hell is happening to her? "I-I can't see anything. Bakit?! Anong nangyayari?!"

"Luigie, calm down..."

Tears flows down on her eyes. Bulag na ba siya? Ang huling naaalala niya ay inaabot siya ni Jarreus at nabundol siya ng kotse. Napahawak siya sa tapat ng dibdib. She got into accident and now she's blind?!

"B-Bakit ganito? Daddy, hindi kita makita!"

"Anak..."

"Oh God!" she hysterically cried.

"You are pregnant, Luigie. Baka mapaano kayo ng anak mo." puno ng pag-aalala na sabi ng ama. Naramdaman niyang kinabig siya ng ama. "Anak, pakiusap kumalma ka."

She stiffened. Wala sa sariling napahawak siya sa ibabaw ng tiyan.

"I'm w-what?" nauutal niyang tanong.

"You're four weeks pregnant, anak. Baka makasama sa anak mo kung hindi ka hihinahon." alo ng ama.

She is pregnant again? Parang may munting kalabit sa puso niya ang narinig. May bata ulit sa sinapupunan niya.

"F-Four weeks?" pabulong na tanong niya.

Lalong bumigat yata ang dala-dala niya sa dibdib. She was pregnant and blind. She felt hopeless. How can she take care of herself now that she's blind? The baby?

"I'm pregnant, Jarreus shouldn't know this..."

"Luigie, what are you saying? Mag-asawa kayo ni Jarreus--"

"I want an annulment." may pinalidad na sabi niya.

Naramdaman niyang bumitaw ang ama sa kanya. May narinig siyang mga hindi pamilyar na boses at sinabi ng ama ang kalagayan niya. It must be the doctor. Hindi niya alam ang nangyayari hanggang sa kinausap siya ng doktor. It might be temporary due to her accident. Pero hindi masabi ng mga ito kung kailan babalik ang paningin niya.

Tahimik siyang napahagulgol. Maybe it is the price of killing Leo and her baby. Nahaplos niya ang ibabaw ng tiyan. She will never do the same mistake she did. Aalagaan niya itong nasa tiyan niya.

But how can she start?

Narinig niyang nagpaalam na ang mga ito. She felt worse. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

"You're pregnant with your husband child. Bakit ka makikipaghiwalay--"

"I can raise my child alone. I don't need Jarreus. I don't need him in my life!" puno ng emosyon na sabi niya.

"Luigie, nag-away ba kayo?" may bahid ng galit na tanong nito.

Umiling siya. Walang kasalanan si Jarreus dahil siya ang may gawa. Hindi niya mapatawad ang sarili sa ginawa. How can Jarreus forgive her?

"Then why do you want to separate with him?"

"B-Because I don't deserve his love. He doesn't deserve a monstrous and heartless bitch like me..."

She cried harder. Wala siyang narinig na ingay pero alam niyang naroroon pa ang ama. Hindi man niya nakikita pero ramdam niyang may nakamasid sa kanya.

Give Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon