"ARE you sure about this?" tanong ni Vladimir kay Luigie tungkol sa pagpapakasal niya kay Jarreus. Saglit na pinalabas niya ang make-up artist na nag-aayos sa mukha at buhok niya.
Nang araw na iyon ay kasal na niya. Isang linggo na iyong nakaraan nang magkausap sila. Nang malaman ng bawat panig na payag na silang dalawa ay minadali ang lahat. Ilan lang ang bisita dahil sa mabilisan na preparation. Ang ama, ang tatay ni Jarreus, ang lolo nito at ilang kakilala lang diumano ang bisita nila. Alam niya ang kapalit ng desisyon na pinili pero handa na siya.
"Oo. Hindi naman na ko makakapag-back out." ani Luigie sa lengguwahe na maiintindihan nito.
Tumango ang kaibigan at hinawakan siya sa balikat. "Kahit ano ang maging desisyon mo ay mananatili mo kong kaibigan, Luigie."
Tumayo siya at niyakap ito. Hindi lang naman siya ang apektado kung sakali na tumamlay ang career niya sa oras na pumutok ang balita na lihim siyang nagpakasal sa Pilipinas. Ito din naman. Hindi alam ni Luigie kung gaano siya katagal na nakayakap kay Vladimir nang may marinig silang tumikhim.
Nagkahiwalay sila at sabay na nilingon kung saan nanggaling iyon. Nakatayo si Jarreus sa tapat ng pinto at nakapamulsa na nakatitig sa kanya. Ang bigat ng titig nito kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. Nailang siya sa paraan nang tingin na binibigay nito sa kanya. Hindi tuloy niya alam kung ano ang nasa isip nito. Aaminin rin niya na mas naging guwapo ito sa suot na itim na tuxedo.
"Kuya! Alam mo ba na hindi puwede makita ang bride. You supposed to see her while she was walking to the aisle."
Narinig niya ang makulit na boses na iyon ni Yanna. Huminto ito sa gilid ni Jarreus at patuloy na naglitanya. "Puwede mo naman makita mamaya si Ate Luigie. Huwag masyadong excited."
Nang lumingon si Yanna sa kanya ay napakunot ang noo niya nang bahagyang umuwang ang bibig nito. Titig na titig din ito sa kanya. "Oh my God!"
Nagkukumahog na lumapit ito sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya.
"Grabe, ang ganda-ganda mo naman ngayon. Kaya naman pala gustong-gusto ni kuya makita ang ayos mo. Wow talaga! Mas tumingkad ang kulay ng mga mata mo sa make-up mo. Lalo kang gumanda." mangha na puri nito.
Actually, biglaan ang naging uwe ni Yanna nang malaman nito na ikakasal sila ng kuya nito. Nag-aaral kasi si Yanna ng medicine sa ibang bansa. Pero parang hindi naman yata ganoon ka-busy at ka-toxic ang bata na ito. Nagawa pa talaga nito umuwe sa kasal nila ng kuya nito. "Ikaw talaga, Yanna."
"Yes! Sa wakas ay magiging sister-in-law na rin kita. Posible ako magkaroon ng pamangkin na kulay dagat na asul ang mga mata. Ang ganda ng combination ninyo ni kuya for sure." nakangising sabi nito.
Kung alam mo lang... Iniisip siguro nito na magpapakasal sila ni Jarreus dahil may feelings sila sa isa't-isa. Ang hindi nito alam ay ginagawa nila iyon para sa matanda. Bumaling ito kay Vladimir at binati ang lalaki.
"'Hay, aalis muna kami ni kuya. Kailangan mo pa mas magpaganda para mamaya." Nang bitiwan nito ang kamay niya ay tumalikod na ito at hinigit ang kapatid. Hindi pa rin mai-alis ni Jarreus ang tingin sa kanya. Nang tuluyan na nitong matangay ang kapatid ay sinarado na ni Vladimir ang pinto. Napaupo na lang si Luigie at tinignan ang sarili sa salamin.
"I can't believe I was doing this," Naiiling na sabi niya sa sarili.
"Did you see how intense his staring at you?" ani Vladimir sa wikang ingles. Bukod sa Slavic ay marunong din ito magsalita ng English. Pero kapag sila lang naman ay mas gusto nito nagsasalita sa lengguwahe nito dahil bukod sa komportable ito sa wikang kinagisnan. May pagka-slang pa ito kung magsalita sa universal language.

BINABASA MO ANG
Give Me Love
General FictionHAS MATURE CONTENT! Luigie has everything. Marami rin ang humahanga at nagmamahal sa kanya pero sa kabila ng lahat ay may kulang padin sa buhay niya. How can you fully love someone who's inlove with someone else?