Chapter Nine

100 8 0
                                    

PUMASOK sa isang bar si Luigie dahil sa tawag na natanggap niya. Langong-lango diumano ang may-ari ng cellphone sa alak. Pagkatapos ng photoshoot niya sa isang make up brand ay pinuntahan niya agad ito. Hindi pa nga siya pinapayagan ng manager niya dahil kailangan pa siya sa interview pero hindi niya puwede iwan na lang si Jarreus. God, what was happening to him?

It has been two days when Regina and Rex exchange vows. Kababalik lang nila ni Jarreus galing sa beach wedding ng pinsan nito at ni Regina. Nang matanaw na niya ang bar counter ay nakita niya agad ang isang lalaki na nakadukdok ang ulo doon. Lumapit siya sa mga ito. Nang malaman ng lalaki kung sino siya ay binigay na nito ang cellphone sa kanya. Kinuha niya iyon saka binalingan si Jarreus natulog na.

Bahagyang niyugyog niya ang balikat nito.

Nagpatulong na siya sa lalaki na bouncer ng bar para isakay ito sa sasakyan niya. Nang marating niya ang building ng unit nito ay nagpatulong siya sa guard para i-akyat ito. Kumuha siya ng palanggana at bimpo. Inilapag niya ang palanggana na may bimpo at maligamgam na tubig sa bedside table. Kinuha niya iyon at sinimulan na punasan ang binata. Pagkatapos niyon ay agad na pinalitan niya si Jarreus at binihisan. Pumasok na sa isip niya ang dahilan kung bakit ito naglasing pero ayaw niya mag-conclude agad. Baka may ibang dahilan kung bakit maglalasing ito. Ayaw niya mag-isip ng kung ano. Ayaw niyang in-entertain ang ideyang pumasok sa isip niya dahil mali iyon.

"I love you," he mumbled.

Ngumiti siya at hinalikan ang noo nito. "I love you too."

Nagulat siya nang hinigit siya nang lalaki at bumaba ang mga labi niya sa labi nito. Napapikit na lang siya at hinalikan ito sa paraan na ginagawa nito. Lasa man niya sa bibig nito ang alak ay hindi nakabawas iyon sa sarap na hatid ng halik ni Jarreus.

"I love you," ulit nito pagkatapos siyang halikan. Ramdam niya ang mainit na hininga nitong amoy alak.

"Regina..." pabulong na tawag nito sa pangalan.

Napapikit na lang si Luigie. Nagsimula na mamuo ang mga luha sa kanyang mata. Ang buong akala ni Luigie pagkatapos niya sabihin kay Jarreus na mahal niya ito ay aayon ang lahat sa gusto niya. Hinayaan siya ni Jarreus na mahalin ito. Nagkaroon sila ng relasyon na dalawa. Parang in and out ang relasyon nila na dalawa ni Jarreus. Kapag nasa Pilipinas siya ay palagi sila magkasama. Masaya si Luigie sa setup na ganoon. Sapat na sa kanya iyon basta mabigyan ng oras at panahon nito. Pero ngayon ay naisip niya na sapat pa ba iyon? Walong taon? Wala bang kuwenta iyong mga panahon na binigay niya ang pagmamahal rito? Hanggang ganoon pa rin ba? Panakip-butas pa rin siya? Ilang taon pa ang kailangan para mahalin nito? Nauwe ba talaga sa wala ang lahat?

Sabi na nga ba niya. Nang nasa kasal pa lang sila ay nag-iba si Jarreus. The way he talk to her, smiles to her and looked at her. Ganoon pa rin at tulad ng dati... tulad pa rin ng walong taon mula nang malaman niya na mahal nito ang babae. Kasabay niyon ang katotohanan na minahal niya ito sa kabila ng may mahal itong iba.

"Saan ba ko nagkulang, Jarreus?" puno ng hinanakit na tanong niya. Ibinigay niya ang lahat sa lalaki na ito. Lahat ng gusto nito kunin sa kanya. Akala niya ay sapat na iyong gagawin niya ang lahat para mahalin nito.

"Mahal kita, Gine. Sobra..."

Parang may kutsilyo na sumaksak sa puso niya. Ilang beses ba niya kailangan malaman iyon? Ilang beses ba nito sasabihin na "I love you" pero hindi naman pala para sa kanya iyon? Naging panakip-butas lang si Luigie nitong una pero hindi siya sumuko. Sumugal siya ng sumugal hanggang sa akala niya ay mahal na rin siya ni Jarreus. Pero wala pa rin. Umabot pa rin sa punto na si Regina pa rin pagkatapos ng lahat.

"Seven... almost eight years, Jarreus. I gave my everything in you for that long years. Hindi ako humingi ng kapalit dahil umaasa ko na balang-araw ay maibabalik mo iyon ng hindi ko na kailangan hingiin. Pero..." Naiyak na siya ng tuluyan. "Still. Siya pa rin!"

Give Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon