ISINUOT ni Luigie ang bathrobe nang sumenyas si Jarreus natapos na ito. Ilang beses din siyang gumalaw sa pagkakaupo dahil sa pangangalay. Hindi niya alam kung paano siya nakatagal na hindi gumagalaw para matapos nito ang obra maestra. Habang nakatingin siya sa direksyon nito kaninang nagpipinta ito ay hindi niya mapigilan tumitig rito. Kitang-kita niya ang passion nito sa pagpinta sa paraan ng paghagod nang kamay nito. Sa paraan ng pagtingin nito sa ginagawa. Jarreus passions tingling something in her heart.
Lumapit siya sa puwesto ni Jarreus at tinignan ang nude painting niya na gawa nito. Napamaang siya nang makita ang itsura niya. Parang hindi siya... she looked so innocent and so pure.
"You liked it?" tanong nito.
Alam niyang magaling si Jarreus sa pagpipinta pero hindi niya inaasahan na may kung ano itong emosyon na mapupukaw sa puso niya. Pinasadahan niya ng mga daliri ang painting. Naramdaman niyang in-angat nito ang mukha niya. Lumuha na pala siya. Pinunasan nito ang mga luha bago halikan ang ibabaw ng ulo niya.
"You crying? Why?"
She seen the different version of her. The fragile, dependent and easy to get hurt Luigie. She build a facade around her heart. Wala siyang balak papasukin ang kahit sino. Napapikit siya nang padaanan nito ng kamay ang ulo niya pababa at i-tri-nace gamit ng mga daliri nito ang mata, ilong, pisngi at labi niya. Bumaba pa ang mga daliri nito sa gitna ng dibdib niya. Pagmulat niya ng mga mata ay nakatitig ito sa kanya.
"You don't need to be tough all the time."
Ayaw na ayaw niyang nakikita nang iba kung gaano siya kalungkot sa buhay niya. Maybe she had everything money can buy. Pero hindi noon mabibili ang oras kasama ang daddy at mommy niya. Pakiramdam niya isa siyang bunga ng malaking pagkakamali.
"You don't know me, Jarreus." Blangkong sabi niya.
Mabilis na tinalikuran niya ito at walang pasakalye na magbihis sa harap nito. She need to get out of the place. Stay away from Jarreus. Nang matapos ay dali-dali siyang lumabas ng cabin. Wala siyang pakialam kung isang kilometro ang kailangan niya lakarin para makarating sa mansyon ng mga ito.
"Luigie!"
Hindi niya pinansin ito tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Natigilan siya nang may maramdaman na patak ng tubig sa pisngi. Kasabay niyon ay sunod-sunod na patak ng malalaking tubig sa paligid.
"Get back here! Malakas na ang ulan!" Sigaw ni Jarreus.
Hindi niya pinansin ito at tuloy-tuloy sa paglalakad. Natigilan siya nang makarinig ng kulog at sumunod niyon ay kidlat. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Takot siya sa kulog at kidlat. Tandang-tanda niya noon na walang kahit na sinong yumayakap sa kanya sa ganoong klase ng panahon. Lumaki siyang mag-isa. Oo nga may yaya siya pero hindi naman niya mga magulang iyon.
Nanlalabo ang mga mata niyang tumingin sa ibaba. She felt so lonely. Akala niya kaya na niya pero hindi pa pala...
"Luigie," malamyos na tawag ni Jarreus sa pangalan niya.
Hindi siya gumagalaw at wala siyang maramdaman. "C'mon, lalagnatin ka."
Hinayaan siya ng lalaki nang binuhat siya nito. Siniksik niya ang mukha sa dibdib ni Jarreus. Ngayon lang siya nakaramdam ng pagod. Pagod na hindi niya alam kung kaya pang mapawi.
"You don't need to be tough," ulit ni Jarreus sa sinabi kanina. "You can actually lean on to someone kapag hindi mo na kaya. I'm here for you, Lu. Always here for you."
Napangiti siya. If "Lu" is his endearment to her. She like to hear that all the time.
***

BINABASA MO ANG
Give Me Love
Tiểu Thuyết ChungHAS MATURE CONTENT! Luigie has everything. Marami rin ang humahanga at nagmamahal sa kanya pero sa kabila ng lahat ay may kulang padin sa buhay niya. How can you fully love someone who's inlove with someone else?