Chapter Eight

113 6 0
                                        

MUNTIK na mapatalon si Luigie nang marinig na may pumalakpak sa likuran niya. Paglingon niya ay nakita niya si Jarreus ilang dipa lang ang layo sa kanya.

Nakamasid ito sa kanya at sa hindi malaman na dahilan ay bumilis ang tibok ng puso niya. Kanina pa niya ito hinahanap kaya halos naikot na niya ang buong kabahayan nang mapadpad siya sa silid na iyon. She loved playing piano. Nakaka-relax at gaan sa pakiramdam ang nalilikhang tunog niyon.

Nag-iwas siya ng tingin at ibinaba ang mga kamay sa hita. "Kanina ka pa ba d'yan?"

"Where do you learn to play?" kaswal na tanong nito.

Lumapit ito at umupo sa tabi niya. Umusog siya nang magtama ang kanilang mga braso. Naumid ang dila niya nang makita ang seryoso nitong tingin sa kanya. Hindi niya alam kung namalikmata lang ba siya nang maging masuyo ang tingin nito sa kanya. Ipinilig niya ang ulo at sinagot ang tanong nito.

"No'ng ipinasok ako ni daddy sa piano lesson. After learning the basic. Ayaw ko na rin it is boring kasi."

Napapitlag siya nang hawakan nito ang kamay niya. Iyong pakiramdam ay hindi niya magawa ipaliwanag. But it felt right. So right. "W-What are you doing?"

Hinaplos nito ang palad niya. "Ang lambot ng kamay mo. Kaya pala ang gaan at sarap sa pandinig ng pagtugtog mo."

Hindi pa rin siya sanay sa pagbulabog na ginagawa nito sa sistema niya. Bihira ngumiti si Jarreus pero kapag ngumiti na ito sa iyo ay kakabog talaga ang dibdib ninuman. Kahit sino ay maaakit sa ngiti nito.

Namayani ang mahabang katahimikan sa kanila. She open up something important to him. Siya naman ngayon.

"Alam mo, ayaw ko talaga sa ganitong mga lugar. Pakiramdam ko sobrang boring ng mga buhay ninyo dito. Akala ko nga hindi ako makakatulog sa sobrang tahimik pero nagkamali ako. Siguro kung papipiliin ako mas gugustuhin ko tumira dito kasama ang daddy ko. Kahit nga si lolo alam ko hindi rin ako gusto."

Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata. "When I was in my elementary days I always maintain to get the highest score in the class. But never in my life they congratulate me or says they was proud of my achievement.

Nasanay na lang akong mag-isa. At my young age, I decided to stand on my own feet. Kailangan ko mabilis na mag-mature para makatakas na ko sa malungkot na mundo ko. I want to explore and go somewhere that I can forget I'm alone. Kaya nga nang mapasok ako sa modeling dito sa bansa ay naging masaya talaga ko ng sobra. Malaki ang naitulong nito sa akin para malibang sa buhay ko. I was the type of person na kung kaya bakit hindi ko gawin. Nasanay na kong ganoon ang routine ko hanggang sa dumating ang lolo.

Hindi daw niya gusto ang pag-uugali ko. Hindi niya gusto ang lahat ng ginagawa ko. He hates my guts. He hates my manners. Pero ano ba ang mali sa pagsasaya ko? I was just having fun and I want to live my life to the fullest." pagkukuwento niya.

"Why are you sharing me these things?

Nilingon niya ito.

"Because I want you to know me better. You want to work this out, right. I want to be open to you. Para alam mo kung saan ang pinanggagalingan ko."

Isinara nito ang takip ng piano. Nagulat siya sa sunod na ginawa nito. Dumukwang ito at dinampian ng halik ang mga labi niya. Hindi niya ikakaila na gustong-gusto niya ang labi nito. Nang humiwalay ito ay kitang-kita niya kung paano nito kinagat ang mga labi at tila may tinikman doon.

"I'm not a sucker of kisses but I wanted your lips so bad."

Hanggang sa muli ay dumukwang ito at sinakop ang labi niya. Napapikit na lang siya nang makita na pumikit ito pagkalapat pa lang ng mga labi nila. Tila biglang huminto ang mundo para sa kanilang dalawa. The happiest day of her life was in a relationship with Jarreus. The ever man she loved. ***

Give Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon