PAGPASOK pa lang ni Luigie sa restaurant na sinabi ng ama ay natanaw na niya ito. Lumapit agad siya sa ama. Natigilan siya nang makita ang isang lalaki na sa tantiya niya ay naglalaro ang edad sa singkuwenta anyos. Kilala niya ito. Ito ang ama ni Jarreus.
"This is my daughter, Luigie." pakilala ng ama sa kanya kay Herminio Del Castillo. They know each other. They had met before.
Inabot niya ang kamay rito. Nakipagkamay naman ito sa kanya.
"Good evening, Mr. Del Castillo." magalang na bati niya sa matanda.
Tumayo ang ama at pinaghila siya ng silya sa tabi nito. Umupo siya. Wala siyang ideya kung bakit nakipagkita sila ng ama rito. Hindi naman nito sinabi ang dahilan sa kanya. Basta lang daw na pumunta siya doon. She was trying to be on good terms with her Dad. Mula nang mamatay ang lolo niya ay sinikap niya maging maayos sila. Pero hindi kasama doon na ige-give up ang career niya.
"Oh that's my son," ani ng matanda.
Mula sa nakababa na tingin ni Luigie sa lamesa ay bumaling ang tingin niya sa entrance ng restaurant. Parang huminto ang puso niya nang makita ang lalaki na kapapasok pa lang. Matagal na panahon na nang magkita sila sa personal. Ang mas nakagugulat ay walang nagbago sa damdamin niya. Nang magsalubong ang mga mata nila ay ramdam na ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso. Na tanging ito lang ang nakagawa sa kanya. Winaksi niya ang damdamin na iyon at pinakita na hindi siya apektado sa pagkikita nila. Hanggang sa huminto ito sa harap nila. Siya ang unang bumawi ng tingin kay Jarreus.
Umupo ang lalaki sa tapat niya. Nakatitig ito sa kanya. How long has it been? Three or four? Five maybe?
Siya ang unang umiwas ng tingin. Hindi niya kaya ang intesidad ng titig nito.
Kumuha muna sila ng order. In the middle of the dinner they had this talked.
Tumikhim ang ama ni Jarreus. "This is about the two of you."
She arch her eyebrows. Hindi niya gusto ang takbo ng usapan.
"We are aware you were in a relationship years ago. We don't know why you two broke up but we think that you might like each other still. " ani ng ama niya.
Ngumiti siya sa ama. Ayaw niya malaman nito ang damdamin niya para kay Jarreus hanggang ngayon. More casual the better. Walang puwede makaalam sa mga ito.
"Oh no Dad. I don't like him anymore."
Tumingin muna ang ama kay Herminio, may kakaiba sa dalawa na ito na hindi niya mapagtanto. Nang sulyapan niya si Jarreus ay salubong ang mga kilay nitong nakatingin sa kanya.
Inirapan niya ito.
"I know it is so soon but you two know each other and having a relationship before will help—"
"What is happening, really?" putol ni Luigie sa inis na boses.
"Stop beating around the bust. Our kids should know that they will getting married soon." ani ng ama ni Jarreus.
"What? Marriage? Getting married?" she hissed.
"Luigie, behave hija."
Ang kinaiinis pa niya ay nakatitig si Jarreus sa kanya na parang siya lang ang nakikita nito nang mga oras na iyon. Sobra siyang naiilang sa ginawa nito. Dahil sa katapat naman niya ito sa table ay sinipa niya ito sa tuhod. Sa ilalim ng mesa nila. Nalukot ang mukha nito sa ginawa niya.
Serve you right, asshole.
Hindi niya kayang tiisin ang presensiya ni Jarreus ng ganoon katagal.
"You had no say on this, hija. We planned it already." dagdag pa ng ama ni Jarreus.
Literal na napanganga si Luigie sa narinig? Get married? With whom? With this guy named Jarreus Del Castillo. Ano bang klase na kalokohan iyon?

BINABASA MO ANG
Give Me Love
General FictionHAS MATURE CONTENT! Luigie has everything. Marami rin ang humahanga at nagmamahal sa kanya pero sa kabila ng lahat ay may kulang padin sa buhay niya. How can you fully love someone who's inlove with someone else?