Chapter Ten

108 6 0
                                        

NAALIMPUNGATAN si Luigie sa loob ng puting silid. Akmang tatayo siya nang may pumigil sa kanya. Nilingon niya kung sino ang gumawa niyon. Nurse ito. Tinignan niya ang sarili. May nakakabait na dextrose sa kanya at naka-patient gown. Tinanong niya ito kung ano ang ginagawa niya doon. Ang asawa diumano niya ang nagdala doon sa clinic dahil wala siyang malay. Kagabi diumano ay muntikan na siyang malunod sa pagtangay ng alon sa kanya.

Nang bumukas ang pinto ay nakita niya agad si Jarreus. May mga dala itong prutas na nakalagay sa basket. Saglit na nagpaalam ang nurse at iniwan silang dalawa. Umupo si Jarreus sa silya sa tapat niya.

"How are you?"

Ngumiti siya. "I'm good," Pinagkatitigan niya ang mukha nito. May hang-over pa ito pero parang hindi pa ito natutulog. Ang itim-itim ng paligid ng mga mata nito. "Nakatulog ka ba?"

Hinawakan nito ang kamay niya. Nilagay nito iyon sa pisngi nito at pumikit. Hindi siya nakapagsalita nang makita ang mga luha nito. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi kita nakita kagabi."

"Jarreus..."

"Pasensiya ka na kung nilagay ko sa panganib ang buhay mo. Hindi ko mapatatawad ang sarili ko."

"Jarreus..."

"Nang makita kita na walang malay, parang huminto ang paghinga ko kagabi. Ang dami-dami ng pumapasok sa isip ko nang wala ka pang malay. Doon lang ako natakot ng ganoon sa buong buhay ko."

"Jarreus..."

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. "I love you, baby."

Pinagkatitigan ni Jarreus ang mukha nito. Paano nga ba kung hindi siya nakita ni Jarreus? Paano nga ba kung namatay siya kagabi? Kung tutuusin ay pangalawang buhay na niya iyon. Sa isang iglap ay puwede kunin ang buhay niya. Hindi kaya binigyan siya ng Diyos ng tsansa mabuhay para makasama ito? Napapikit siya at dinama ang init ng kamay nito sa kanya. Kung patay na siya nang mga oras na iyon ay hindi sana niya nadama ang init nito.

"I'm sorry too, Jarreus." Naluluhang sabi niya. "I'm a coward, takot na takot ako masaktan mo ulit. 'Yong malaman ko na hindi mo talaga ko mahal at si Regina naman talaga. Sobrang takot ako sumugal ulit kasi baka saktan mo na naman ako. Ilang beses na kasi... sa dami ng beses na iyon takot ako bigyan ka ulit nang pagkakataon."

"Hindi na ulit mauulit yong nangyare kagabi. Hindi ko hahayaan na ulit 'yon." He was weeping and her heart is breaking for him. Alam naman niya na mahal pa rin niya ito.

"Kapag mahina na naman ako at hinayaan kita. Hindi ko alam kung kaya ko pang buuin ang sarili ko kapag nasaktan mo na naman..."

"I'll earn you trust and love. Please, Luigie, give it a try with me. I'll never mess it up again. Never..."

Her heart is really breaking. One last chance is all worth it? Tumayo ito at sinakop ang mga labi niya. Hindi niya sasayangin ang buhay niya na hindi naging masaya muli sa piling nito. Dahil hindi man niya aminin... ay ito lang... at ito pa rin ang tanging kaligayahan niya.

***

NAPABUNTONG-hininga na lang si Luigie habang nakatingin sa papalubog na araw. Dalawang araw na lang at uuwe na sila ni Jarreus sa Pilipinas. Hanggang nang mga oras na iyon ay hindi pa rin sila magkasundo. She hated Jarreus' guts. Para wala silang away na dalawa ay hindi na siya nagsusuot ng bikini. Nang mga panahon na umuuwe siya sa Pilipinas ay palagi siya pinagsasabihan nito na huwag siyang tatanggap ng mga pictorial o kontrata na may kinalaman sa pagsusuot ng mga lingerie o kung anuman. Kaya nga kahit matagal na siyang nililigawan ng isang lingerie company na maging modelo ng mga ito ay hindi niya pinapatulan ang offer sa kanya. Ayaw na ayaw niya na nag-aaway sila ni Jarreus. Sa huli ay wala rin naman siyang magawa kundi ang pumayag sa gusto nito.

Give Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon