Chapter Seven

119 7 0
                                    

"MAY proposal ako sa'yo." ani Luigie habang naglalakad sila papunta sa isang kilalang restaurant sa lugar. They will dine together-- well as friends. Ilang araw na lang sila ni Jarreus at babalik na silang Pilipinas. At least, bago sila bumalik maging clear ang lahat. Hindi pa nila napag-uusapan kung anong klase ng set-up itong "marriage" kuno nila.

"Ano'ng klase ng proposal?"

"We can be friends with benefits habang nasa loob pa tayo nang relasyon na ito." panimula niya.

Nagsalubong ang mga kilay nito. Nagsimula siya magpaliwanag.

"I desired you. You desired me. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang kasal na ito pero later on, sigurado ako na maga-annuled din tayo. Kaya bago pa matapos 'to ay i-enjoy natin while it lasts."

Tumiim ang mga bagang nito. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Tingin niya ay wala namang mali sa proposal niya. Well, actually it will benefit both of them

"Then, puwede na tayo bumalik sa mga dating buhay natin kapag sawa na tayo."

Lumunok na lang siya nang makita ang masamang tingin nito. Para bang ang sama kasi ng lumabas sa bibig niya. Pinag-isipan na niya kanina iyon habang naliligo siya.

"Jarreus, there is no commitment naman eh 'di tulad dati."

"I don' t want to talk with you right now." Walang-emosyon na sabi nito.

"What?"

Napailing ito. "I can't believe I was hearing it all to you."

Ayaw niya isipin nito na kaya siya bumigay ay dahil may feelings pa rin siya sa lalaki. Hindi na ito umimik at nakatitig lang sa kanya. "Jarreus, ayoko lang mailang tayo sa isa't-isa. We are basically exes, tapos hindi maganda ang naging break-up natin. Ginagawa ko lang 'to para naman maging maayos tayo."

"We are okay, Luigie. Hindi ko kailangan ang proposal na sinasabi mo."

Tinitigan lang niya ito. Hindi niya makakalimutan iyong panahon na tuluyan na siyang sumuko sa pagmamahal kay Jarreus. It was the same day Regina and Rex got married. When Jarreus kneel to Regina and begging her to love him back. Wala nang mas sasakit sa alaala na iyon.

"But I need it, Jarreus. Kailangan ko paalalahanan ang sarili ko kung hanggang saan lang."

Tumingin sa malayo si Jarrreus pagkatapos humugot ng malalim na buntong-hininga ay walang salita na iniwan siya. Tinignan na lang niya ito hanggang makalayo. Tumalikod na siya at dumiretso sa restaurant mag-isa. Baka kailangan ni Jarreus nang sariwang hangin. Hayaan muna niya ito.

Dumiretso si Luigie sa buffet area para kumain na. Nang makuha na niya ang gusto niya ay umupo na siya sa isang table doon. Nilingon ni Luigie ang taong nagpaalam sa kanya na makikiupo. Tumango siya at ngumiti bago bumalik sa pagkain.

"You looked so familiar, Miss." panimula ng lalaki na sa tingin niya ay may lahing koreano. Pumitik ito sa hangin kapagkuwan. "'Oh, I remembered you. Luigie Marie Koslov."

Tipid na ngumiti lang siya sa lalaki. "Yeppeun."

Hindi naintindihan ni Luigie ang salita na binitiwan nito. "What?"

"You're lovely. More beautiful in person," puri nito.

"Thanks," nakangiting sabi nito.

Nang may tumikhim hindi kalayuan sa kanila. Hindi na kailangan lumingon ni Luigie dahil alam na niya kung sino iyon. Naramdaman niya na umupo ito sa tabi niyang upuan. Sa gulat niya ay kinuha nito ang kamay niya na may hawak na tinidor. Tumusok ito ng maliit na karte sa plato niya. Sinubo iyon ni Jarreus sa bibig nito.

Give Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon