Chapter Thirteen

75 2 0
                                    

THEY GOT the shocking news the next day. Wala na si Lolo Hilario, inatake ito sa puso habang natutulog. Nang pinuntahan ito ng nurse nito ay wala ng pulso ang matanda. Naging payapa ang ginawang pag-iwan sa kanila ng matanda. Lahat sila ay naiyak sa balita na natanggap. Isa sa naging mas emosyonal ay si Luigie dahil nakausap pa niya ito noong nakaraan na kagabi bago matulog. Binigay pa nito ang wedding ring ng asawa nito sa kanya.

Lahat ng apo nang matanda ay umuwe sa Tarlac para sa burol nito. Si Yanna ay susubukan magpaalam para makauwe agad at maabutan ang burol ng matanda. Marami ang pumunta bukod sa mga kamag-anak nila Jarreus. Mga malalapit na kaibigan at kakilala ang pumunta para makiramay. Sa unang pagkakataon, pagkatapos nang ilang taon ay ngayon lang uli niya nakita si Regina. Kasama nito ang asawa at ang anak na si Reina. Unang kita pa lang niya kay Reina ay kuhang-kuha nito ang mukha ng ina.

"It has been so long, Luigie. Kumusta ka na?" tanong ni Regina sa kanya habang buhat-buhat ang anak.

Regina didn't make it to her weeding. But Rex did.

Ngumiti siya. "Okay naman," Bumalik ang tingin niya sa anak nito. "Ilang taon na siya?"

"Turning three years old, next month. Then our youngest is two months. Iniwan mo na namin." Ngumiti ito. "I'm happy that you married Jarreus."

Tumango siya. They got married last month. Ngayon ay medyo okay naman sila ni Jarreus.

"Actually, mabilis ang lahat. Hindi ko rin alam na pagbalik ko dito ay ikakasal kami na dalawa." Nakaupo sila ni Regina hindi kalayuan sa mag-pinsan na nag-uusap. Nang bumaling sa kanya si Jarreus at ngumiti ay parang tumalon ang puso niya. Kumawala si Reina sa ina at tumakbo sa ama nito. Kitang-kita niya sa mukha ni Jarreus kung gaano ito katuwa sa bata ng kinuha nito si Reina mula kay Rex. Nakita niya kung gaano ito kasaya sa pamilya nito. Naisip tuloy niya kung bakit nagawa ito mahalin ni Jarreus. Regina was the exact opposite of her.

"Are you aware that Jarreus was in love with you before?" tanong niya.

Nilingon siya ni Regina. May pag-unawa na tumingin ito sa kanya. "Nagkakamali ka, Luigie. Jarreus was not in love with me. He was in love with the idea he was in love with me. Alam mo 'yon. Halos sabay-sabay kami lumaki na tatlo kaya pakiramdam lang niya ay may gusto siya sa akin. Na mahal niya ko. Noon nga, naisip ko rin na hindi ako mahal ni Rex na baka parehas sila ni Jarreus. Pero nagkamali ako sa kanya. But I was sure about Jarreus feelings."

Naniniwala naman siya na mahal siya ni Jarreus. Pero ngayon lang niya naisip na hindi pala sapat iyon. Kaya ba niya maging katulad ni Regina? Being a mother suited Regina so well.

Siya ba? Hindi niya alam kung kaya niya maging mabuti na ina. Lumaki siya na walang kinagisnan na ina at walang oras ang ama sa kanya. Her nanny take care of her. Pero iba pa rin ang pagmamahal ng tunay na mga magulang. Obligasyon ng nanny niya alagaan siya dahil trabaho nito iyon.

"What did you give up for them?" halos pabulong na tanong niya habang nakatingin kina Jarreus.

Tumingin din ito kina Jarreus. "Lahat-lahat para sa pamilya namin ni Rex. Alam mo ba na nakakuha ako nang magandang offer na trabaho sa Malaysia sa pagiging botanist ko. Okay naman kay Rex ang malayo ako basta kada buwan ay uuwe ako o siya ang pupunta sa akin. Pero nang malaman namin na pinagbubuntis ko na si Reina ay naging komplikado na ang lahat. Na-stuck ako sa tabi niya at walang iba na inisip kundi sila na lang. Kapag may anak ka na ay iba na iyong priority mo kaysa ng wala pa siya. May mga bagay ako na kailangan isakripisyo para sa kanya."

"Is that a bad thing?"

Umiling ito. "Nope. Worth it siya, Luigie. Maiisip mo na lang na siguro ay mother instinct iyon. Nang una ay hindi ako handa sa pagdating ni Reina dahil marami pa kong gusto sa buhay ko. But she worth to give up everything."

Give Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon