Chapter Three

200 7 0
                                    

"WHAT the heck are you wearing?" pasigaw na tanong ni Jarreus kay Luigie habang magkasalubong ang mga kilay nito at pinagmamasdan siyang pababa ng hagdan. She was wearing loose sleeveless white crop tops and high waisted shorts. Suot niyang pansapin sa paa ang kulay black Adidas sport shoes niya. Ipinusod niya ang buhok. Naglagay rin siya ng UV protection cream sa mukha at lotion sa katawan dahil panigurado na matagal silang mabibilad sa arawan. Magi-ikot kasi sila sa buong rancho at baka pumunta rin sila sa parte ng mga taniman ng iba't-ibang prutas at gulay.

Simula nang magkausap sina Jarreus at Luigie nang masinsinan ay binigyan niya ito ng pagkakataon. Naging magkaibigan nga sila. Sa lahat ng lakad ay gusto siya isama ni Jarreus para daw masanay siya sa lugar na iyon. Aaminin niya na nababawasan ang boredom niya kapag kasama si Jarreus. It has been one week when she arrived to the place. Hindi naman ganoon kasama ang lugar na iyon.

Masaya nga siya kasama ang binata. Tulad niya ay laking siyudad ito pero mas gusto diumano nito sa ganoong lugar. Sariwang hangin na wala sa siyudad, tahimik at simpleng pamumuhay. Kahit papaano ay agree siya sa binata.

"Ano'ng mali sa suot ko?" nakataas ang isang kilay na tanong niya nang makalapit rito.

Pinasadahan niya nang tingin ang sarili niya. Wala naman siyang nakita na mali sa itsura niya.

"Everything!" sigaw uli nito.

Namaywang na hinarap niya ito. "Ano bang pinuputok ng butse mo? Ala naman mag-gown akong mag-ikot dito."

Namumula ang buong mukha na pinasadahan siya ng tingin nito ulo hanggang paa. "Nakikita mo ba kung gaano kanipis ang top na suot mo? For Pete's sake, kita na ang cup ng bra mo! 'Yang suot mo na short kulang na lang mag-panty ka sa ikli. Kitang-kita ang legs mo!"

"What's wrong with that? Ang init kaya sa labas, so, ano ang gusto mo mag-pajama ako at mag-T shirt?" angil niya.

Umismid ito. "Kung maghubad ka na lang kaya para hindi na mahirapan mamboso sa'yo ang mga tao sa rancho."

"Baliw!" Hinampas niya ito sa braso. Siraulo talaga!

"Magpalit ka nga talaga." Seryosong sabi nito sa kanya.

Umiling siya. "You're not the boss of me! Hindi mo ko puwede manduhan kung ano ang gusto kong suotin. Bahala ka sa buhay mo! Aalis ako na nakaganito at wala kang magagawa para pigilan ako."

Nagulat na lang siya nang buhatin siya ng binata. Kakawala sana siya sa pagkakabuhat nito nang sinaway siya na baka mahulog sila dahil papanik na ito ng hagdan. Sa takot na mahulog nga sila ay hindi na siya pumalag at hinayaan ito maipanik siya sa silid niya. Nang ibaba siya ni Jarreus ay mabilis na isinarado nito ang pinto para hindi niya matakasan ito. "Ano ba?! Tara na kasi at huwag ka na mag-inarte!"

"Magpalit ka sabi eh!" anito sa parehong taas ng boses niya.

"Ayoko! Ayoko! Ayoko!" halos maputol na yata ang litid ng kanyang lalamunan sa kasisigaw.

Nagtatagis ang bagang na humakbang ito palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang pinunit nito ang top niya. Hindi niya alam kung paano tatakpan ang sarili sa pagkakalantad ng katawan niya sa binata. Tumalikod na lang siya sa binata.

"'Wag mo ko hamunin. Kapag hindi mo inayos ang suot mo pupunitin ko ang lahat ng isusuot mo hanggang sa maubos ang mga ganyang damit mo." Mariing sabi nito. Narinig na lang niya ang pagsara ng pinto.

"Fuck you, Jarreus!" asar na asar niyang bulalas. Nagpalit siya ng maluwag na T-shirt na ginagamit niya sa pantulog. Maiikli ang halos lahat ng short niya kaya pinagpasyahan na lang niya mag-jeans para wala pang maireklamo ito. Nakasimangot na bumaba siya ng hagdan. Nang makita siya ni Jarreus ay ngumisi ito. Pagkalapit niya sa puwesto nito ay masamang tinignan niya ito. Sigurado siya na natutuwa itong napasunod siya sa kung ano ang gusto nito.

Give Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon