Chapter Nineteen

139 5 2
                                    

"HINDI pumupunta si Jarreus sa bahay. Isang buwan na rin mula nang dumalaw siya." hindi napigilan ni Luigie sabihin kay Vladimir habang humihigop ito ng kape.

Natigilan ito sa paghigop at hindi makapaniwala na tumingin sa kanya. Pati siya ay natigilan sa lumabas sa bibig niya. Ninamnam muna niya ang natutunaw na icing sa bibig. "He should visit me more often, right? Dinadala ko ang anak namin."

Nag-iwas siya ng tingin dahil may gusto ipahiwatig ang tingin nito. "Don't get me wrong, okay. Gusto ko lang siya nakikita kasi iyon ang gusto ng baby ko." Vladimir still looked at him with disbelief. "That is true. Ang baby ko iyon."

"You're getting weirder, Luigie. Don't you remember that you  wanted him to stay away from you?"

"Oo nga, pero I'm pregnant with our baby," maliit na sabi niya.

"You filed an annulment. Baka bukas makalawa ay maghiwalay na kayo. Hindi ba unfair naman na gusto mo lagi siyang nasa tabi mo?" Pinaglaruan niya ang icing ng kinakain niyang cake. "Pero nagkikita naman kayo sa pagpa-process ng annulment ninyo. Bakit hindi mo sabihin sa kanya. I bet he will be very happy going everyday in your house if you tell him"

She knew how irrational she is. Pero gusto niyang nakikita si Jarreus siguro dahil sa pagbubuntis niya.

"Ito nga talaga ang gusto ko pero..."

Umirap ito at pumilantik sa harap niya.
"That's the reason he respected your decision. Live with it, Luigie."

Napasandal siya sa upuan. "I don't know. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto ko."
She sighed. "To be honest, gusto kong maputol na iyong kasal namin. I want us to be free. Pakiramdam ko mangyayari lang iyon kung tuluyan ng magkaroon ng bisa ang annulment. Mali kasi itong kasal. We get married because of peer pressure. Hindi naman niya ko pinakasalan dahil mahal niya ko."

"Mahal ka niya. I can testify to that."

"I know. I believe him now pero hindi ko ramdam na gusto ko pang ituloy ito. Hindi kasi ganito ang gusto ko."

"Then ask yourself what you really want. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan pati si Jarreus. You are being unfair to him. Let him move on if you don't want to keep him."

Tama ang kaibigan, pero... nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa handbag at tinignan kung sino ang tumatawag.

Nag-angat siya ng tingin. "It is Jarreus,"

Nagkibit-balikat ito.

She sighed before answering the phone call. "Hello?"

"Where are you?"

"I'm with Vlad. Lumabas lang ako sandali. Ang boring na kasi sa bahay. I need to have some walk."

"Without informing your Dad? He was worried with your whereabouts. Alam mo naman na maselan ang pagbubuntis mo. Kasama mo ba si Thea?"

"Nope. Hinayaan muna namin si Thea makipag-date."

"I'll go there to get you. Where are you exactly right now?"

"Sa Glorietta..." sinabi niya kung nasaan siya eksakto.

"But I'm with Vladimir naman. I'm safe naman."

"Wait me and don't go anywhere." Pinal na sabi ni Jarreus at pinatay na ang tawag.

Vladimir just sipped to his hot coffee. Hindi nagtagal ay nakita na niya ang papalapit na si Jarreus. Mabilis na lumapit ito nang makita siya.

Give Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon