Chapter 02

122 21 11
                                    

"SIGURADO ka bang dito sila magkikita ngayon?" Nanginginig ang boses ng isang ginang na nasa singkwenta na ang edad wearing branded clothes and luxurious jewelries. May katabaan ito, kulot ang buhok na pinakulayan ng itim at umaabot hanggang balikat. Kahit na may katandaan na'y hindi pa rin maipagkakaila ang makinis nitong mala-porselanang kutis.

Ibinaba ng dalagang kaharap ang baso ng red iced tea at ibinaba ang kaniyang rounded shades. Her hair is tied in a bun and wearing a grey women's suit. Morena ang kanyang kutis at naka-red matte lipstick.

Tumango ito sa kaniyang kausap bago sinabing, "mas sigurado ako sa impormasyong nakalap ko kaysa sa sinseridad ng mister ninyo."

The woman looked taken aback. No one dared to respond to her that way before but she's the one in need of information regarding her husband. Matagal na siyang kinukutuban na pineperahan na lamang siya nito kaya naman nang irekomenda ng kaniyang mga amiga itong private investigator ay kaagad niya itong ipinatawag.

"Take a look at this." mahinahong sambit ng dalaga habang inilalapag ang isang pirasong papel sa lamesang gawa sa marmol at ang mga paa nito'y pininturahan ng kulay ginto. La Cocina de Samira is one of the most luxurious restaurants in town which serves Spanish and Italian dishes. From the interior design itself, one would already know that the price of one coffee could equate to five meals. Ang kadalasan sa mga kliyente nila ay mga business owners, celebrities, and politicians dahil ang mga VIP rooms nila ay sound proof at talagang bantay sarado.

The old lady was reluctant picking up the piece of paper. Halos kusutin nito ang papel nang mabasa ang laman nito. It was a printed copy of the conversation between her husband and his mistress.

"As you can see, your husband is planning to get the majority of the shares of Astralia's Jewelry - your company - before filing for a divorce and marrying his other woman."

Mrs. Hilda Astralia-Geronimo's eye twitched upon hearing the summary of what the piece of paper holds. Inikot niya ang kaniyang mga mata na para bang may hinahanap. She's furious and is ready to go to war.

"That dirty scumbag is planning to rip me off my wealth?" hindi siya makapaniwala. Her breathing became heavy and felt hot despite the aircon. Marahas niyang tiningnan ang dalagang relax na relax habang umiinom ng red iced tea. Para bang sanay na ito sa mga ganitong reaction mula sa kaniyang mga kliyente. "Sabihin mo sa akin kung sino ang kabit ng balahura at ganid kong asawa!"

Ngumisi ang dalaga matapos uminom ng red iced tea saka niya sinalubong ang nagagalit na mga mata ng ginang. She leaned closer and showed her phone using her right hand. It contained a business bank account. "Tatlong daang libo kapalit ng impormasyong hinihingi ninyo."

Matulis ang mga titig na natanggap niya mula sa ginang at tila hindi nito gustong magbayad.

"Mahirap kunin ang private conversation ng asawa ninyo at ng kabit niya. Pero kung ayaw niyo akong bayaran..." binawi nito ang piraso ng papel mula sa kamay ni Mrs. Geronimo saka nagpatuloy, "hindi niyo malalaman kung sino ang babae. Mas malaking halaga ang mawawala sa inyo."

Nagngitngit ang ginang sa narinig. Pumikit ito at ilang beses huminga nang malalim habang iniisip nang husto kung ano ang mas makabubuti sa kaniya. Mahal niya ang kaniyang asawa ngunit hindi niya maaatim na kamkamin nito ang perang pinaghirapan niya at inilaan para sa mga anak nila.

She opened her eyes and smiled at the young lass. Inilabas nito ang sarili niyang telepono at nagtipa ng ilang segundo. Ipinakita ni Mrs. Geronimo ang mensaheng natanggap nang makatanggap ito ng notipikasyon. Napamilog ang mga mata ng dalaga lalo na't sumunod ring tumunog ang kaniyang cellphone.

"You have received P500,000 on your account ending in 0395."

Kaagad niyang ibinulsa ang sariling cellphone at ibinalik ang kapirasong papel na hawak niya sa ginang. Mula sa inside pocket ng kaniyang suit ay inilabas naman niya ang mas maliit na envelope at ibinigay iyon kay Mrs. Geronimo na may pagtataka sa mukha.

Ngumisi ang dalaga at pilit nitong inaabot sa ginang ang envelope na siyang tinanggap rin ng huli. Hinintay niyang buksan iyon ng ginang na ngayo'y pinanlalakihan na ng mga mata.

"Those are the pictures I secretly took while I was tailing your husband and the printed copy of their secret conversation." paliwanag niya habang pinapanood ang ginang na tinitingnan ang mga larawang kinuhanan nito. The first photos were malice-free dahil parang business partners lang na nag-uusap si Mr. Geronimo kasama ang isang dalagang sopistikada rin kung manamit ngunit ang mga sumunod na ay makikita kung gaano sila kawalang hiya!

Napatitig si Mrs. Geronimo sa huling larawan. Kuha iyon sa basement parking lot ng kanilang main office kung saan kalahati ng logo ng kaniyang opisina ay makikita sa larawan. The other woman was leaning against the trunk of Mr. Geronimo's car with her right thigh wrapped around his waist, his left hand supporting his weight while his other hand was on the lady's chest.

Mrs. Geronimo was scandalised especially upon seeing her husband lustfully kissing the other woman's neck.

"I'm sure her face is familiar." unti-unting tumango ang ginang habang namumuo ang luha sa kaniyang mga mata dala ng hinagpis at galit sa mga impormasyong nalaman niya tungkol sa secret affair ng asawa niya.

"Carina Saavedra." Mrs. Geronimo spat her name with anger. "How can I forget? She's our current model for our Virgo Collection."

Maging ang impormasyong ito ay alam na rin ng dalaga dahil sa pagmamanman na ginawa niya. Halos hindi niya masikmura ang kahalayan ng dalawang iyon dahil talagang sa parking lot sila gumawa ng milagro!

"At least yung mga nauna kong minanmanan ay umabot sa motel!" untag ng isipan niya nang maalala ang eksenang iyon. Umalis rin naman kaagad ito matapos niyang kunan ng litrato ang dalawa bilang ebidensya.

"I would have him hung and break his neck but that would be an easy way out for him!" galit na galit na sambit ni Mrs. Geronimo bago bumaling sa dalaga. "Tell me, Ms. D, what would you do if you were in my position?" desperada na ang matanda at halata sa mukha nito ang pagkalito sa kung ano ang nararapat gawin.

Napaisip siya bago sumagot. "I heard that you are planning to expand where your husband will be in-charge?" tumango ang ginang. "If I were in your position, I would probably humiliate him during the inauguration and secretly file for a divorce using the evidence I have." Nailipat ang tingin niya mula sa ginang patungo sa kaniyang wristwatch saka sa entrance door.

She pointed at the entrance using her lips. Ninais ni Mrs. Geronimo ang mag-eskandalo ngunit pinigilan siya ng dalaga, "kalmahan mo muna kung ayaw mong masira ang imahe mo sa publiko." she warned her even before her client could get up from her seat. "Hindi ko ho kayo dinala rito para manggulo kundi para makita niyo mismo kung paano kayo lokohin ng asawa ninyo."

Sinundan na lamang nila ng tingin si Mr. Geronimo patungo sa VIP Lounge at hindi nakaligtas sa mga mata ng ginang ang simpleng pag-amoy nito sa leeg ng dalaga.

Hindi rin naman nagtagal ang dalawa pa at sinabi ni Mrs. Geronimo na tatanawin niyang utang na loob ang ginawa niyang ito. Kung hindi pa niya pinamanmanan ang asawa ay tiyak na mananakaw sa kaniya ang kaniyang kompanya.

Pagkalabas ng dalaga sa restaurant ay kaagad siyang hinarangan ng dalawang lalaki - ang isa ay mestiso na papasa na bilang isang modelo habang ang isa naman ay nakakunot ang mga noong nakatitig sa kaniya, magulo ang buhok, at may mga tumutubong mga balbas.

"Ms. Dei?" malumanay na tawag sa kaniya ng lalaking naka-puting polo, ang lalaking papasa na bilang isang modelo. "Hi. I'm Xander from Morville MetroPol and this is my new partner, Knight." pagpapakilala nito sa kanila. "Kailangan ka naming makausap."

──⊹⊱✫⊰⊹──

End of Chapter 02.

End of Chapter 02

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Knight and DeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon